Blue Soda
Anim na buwan akong naniwala na ako ang babaeng pinakamamahal ng asawa ko.
Sa bawat halik niya, bawat bulaklak na iniuuwi niya, at bawat matatamis na salitang paulit-ulit niyang ibinubulong sa akin, naniwala akong sapat na ako. Hanggang sa matuklasan kong sa loob pala ng anim na buwan, may ibang babae siyang minamahal. At ang mas masakit?
Ang babaeng iyon ay ang best friend ko. Ang dalawang taong pinagkatiwalaan ko nang higit sa lahat ang siya ring walang awang dumurog sa puso ko. Kaya nang dumating si Dante Rios sa harapan ko dala ang mga ebidensyang magpapatunay sa pagtataksil ng asawa niya, nakita ko ang pagkakataong pareho naming hinihintay. Paghihiganti. Isang paraan para iparamdam kina Rayver at Hanna ang sakit na ipinasa nila sa amin.
“Sleep with me. Hindi tayo magpapanggap. Gawin nating totoong affair. Pareho naman tayong niloko, so why not give them a taste of their own medicine?”
Matagal niya akong pinagmasdan bago niya ako hinila palapit.
“Kailan natin sisimulan ang plano?”
Nagkasundo kami sa isang simpleng kasunduan.
Walang attachment.
Paghihiganti lang.
Pero hindi namin inasahang ang dapat sanang isang laro ay magiging dahilan para tuluyan naming mawala ang kontrol. Sa bawat gabing magkasama kami, lalo kong nakakalimutan kung bakit kami nagsimula. Sa bawat halik, bawat yakap, at bawat sandaling ipinaparamdam niyang gusto niya ako, lalo akong nahuhulog. Hanggang sa hindi na paghihiganti ang dahilan kung bakit hinahanap-hanap ko si Dante. Pero habang nakaluhod sa harapan namin ang dalawang taong minsang sumira sa aming pagsasama, biglang nagbago ang plano ni Dante.
Hindi na simpleng paghihiganti dahil gusto niya ako. At ang pinakanakakatakot? Gusto ko na rin siya. Pareho kaming nagsinungaling. Sa larong nagsimula bilang paghihiganti, pareho naming natagpuan ang isang pag-ibig na hindi namin dapat hinayaan. At ngayon, handa kaming magkasala para dito.
67