Novels
Short Stories

Genres

All
Romance
Mafia
System
Fantasy
Urban
LGBTQ+
YA/TEEN
Paranormal
Mystery/Thriller
Eastern
Games
History
MM Romance
Sci-Fi
War
Other

Characters

36
Dominant×
All
CEO
Billionaire
Independent
Ruthless
Hidden Identity
Dominant
Mafia
Arrogant
Secretary
Goodgirl
Doctor
Rebel
Intelligent
Badboy
Playboy
Teenager
Twins
Badgirl
Bully
Lawyer
Actor / Actress
Nanny
Agent
Professor
Triplets
Artist
OFW
Star
Warrior
Police
Detective
Medical Genius
Hunter
Hybrid
Gamer
Dragon
Show more

Plot & Setting

40
Betrayal×
All
Betrayal
Contract Marriage
Hate to Love
Revenge
Forbidden Love
Affair
Pregnant
Arranged Marriage
Love after Marriage
Second Chance
Age Gap
First Love
Office Relationship
Misunderstanding
Love-Triangle
Secret Love
Regret
Love at First Sight
Flash Marriage
Divorce
Campus
Forgiveness
Weak to Strong
Twist
Twisted
Face-Slapping
Lovers Reunion
Substitute Bride
Blind Date
Reborn
Level up
Superpower
Gay for you
MxM
Reverse Harem
God of War
Harem
Immortal Hero
Sports
Kingdom Building
Show more

Themes

13
All
Drama
Dark Romance
Contemporary
First-Person POV
Sweet Love
Third-Person POV
Comedy
Mystery
Tragedy
Action
Adventurous
Eastern
Mangkukulam
Show more

Dominant Betrayal Web Novels & Stories

Explore novels and web novels featuring Dominant with Betrayal, engaging stories, and immersive reading. Browse popular stories online and find your next read.
Filter By

Content words
All<30k30k-50k50k-100k>100k
Sort By

PopularRecommendationRatesUpdated
My Husband's Biggest Regret  - undefined novels & stories
Allecorianna
"Lahat gagawin ko para bumalik ka sa akin, asawa ko. Kahit magmakaawa pa ako sa iyo ng paulit-ulit, gagawin ko hanggang maging akin ka ulit."
387
Nakulong sa Kaibigan ni Daddy: Ganti sa TakSil Kong Ex  - undefined novels & stories
Ma Ry
“Minahal kita nang buong puso ko… pero pinili mo ang sarili kong stepsister?” Nanginginig sa sakit ang boses ni Vionne Wallace habang kinakaharap ang pagtataksil ng kanyang asawa. “Pirmahan mo ang divorce papers. Si Nora ang babaeng mahal ko. Hindi mo man lang ako mabigyan ng anak.” Sa isang araw, nawala kay Vionne ang lahat—pinili ng asawa niya ang kanyang stepsister, itinakwil siya ng sariling ama, at itinapon siya ng pamilyang isinakripisyo niya ang lahat. Wasak at pinahiya, nilunod niya ang sakit sa alak at nagising sa mga bisig ng isang mapanganib ngunit guwapong bilyonaryo matapos ang isang gabing halos hindi niya maalala. Hindi niya inaasahang magkikita silang muli. Hanggang sa pumasok ito sa mansyon ng kanyang ama. Si Darien Callahan—ang makapangyarihang lalaking hindi kayang kontrolin ng kanyang ama at matalik nitong kaibigan. Nang muli siyang tangkaing ipahiya ng mga taong sumira sa kanya, ginawa ni Darien ang hindi inaasahan. Inangkin niya si Vionne bilang kanya. Ang nagsimula bilang kasunduang puno ng paghihiganti ay unti-unting nauwi sa isang pag-ibig na mas mapanganib kaysa sa inaasahan nila. Ngunit habang lumalabas ang mga lihim ng nakaraan at bumabalik ang mga dating kaaway, natuklasan ni Vionne na ang lalaking minamahal niya ay may itinatagong katotohanang kayang sirain ang lahat. Mabubuhay kaya ang pag-ibig nila sa gitna ng mga kasinungalingan? O huli na ba para sa kanyang taksil na ex-husband na mapagtantong ang babaeng itinapon niya noon ang siya ring gugugulin niya ngayon ng buong buhay na sinusubukang mabawi? Minsan, hindi dumarating ang karma sa pamamagitan ng pagkatok. Minsan… pinapakasalan nito ang matalik na kaibigan ng iyong ama.
10
414
HAPLOS NG ISANG GABI (SPG COMPLETED STORY) - undefined novels & stories
GDragonCrooked
IIsang trahedyang hindi kailanman makakalimutan ni Kath—isang bangungot na nagmula sa kamay ni Steven. Sa isang iglap, nabago ang buhay ni Kath matapos maranasan ang isang kalunos-lunos na pangyayari na hindi niya kailanman inakala. Takot, trauma, at mga lihim ang patuloy na bumabalot sa kanyang isipan habang pilit niyang hinahanap ang paraan upang makaalis sa sitwasyong kinasasadlakan niya. Ngunit habang sinusubukan niyang tumakas, mas lalo siyang napapalapit sa panganib. Hindi niya alam kung sino ang maaari niyang pagkatiwalaan—at kung hanggang saan siya hahabulin ni Steven. Makakatakas kaya si Kath sa kamay ni Steven? O tuluyan na siyang magiging bihag ng nakaraan?
282
My Cold Billionaire Husband Wants Me Back - undefined novels & stories
Nepthalie
"Kaya siguro hindi siya nagdalawang isip na pakasalan ako dahil kahawig ko ang babaeng tunay nitong mahal.” Tatlong taon na kasal si Clara kay Adrian Monteverde, umaasang balang araw ay matutunan din siyang mahalin nito. Pero isang gabi, natuklasan niyang may ibang babae si Adrian—buntis ito at higit sa lahat, kamukha niya. Doon niya napagtanto ang masakit na katotohanan: baka pinakasalan lamang siya ni Adrian dahil kahawig niya ang babaeng tunay nitong mahal. Kaya pinili ni Clara na wakasan ang kanilang kasal at humingi ng tulong kay Nathaniel Reyes, isang mahusay na abogado at matagal nang kaibigan ng kanyang kuya. Ngunit habang unti-unting lumalapit si Clara kay Nathaniel, saka naman nagsimulang magselos at maging possessive si Adrian. Akala ni Clara, ayaw lang siyang pakawalan ni Adrian dahil asawa siya nito at malaking pera ang nakataya sa kanilang paghihiwalay. Hanggang sa mabunyag ang katotohanan na matagal na pala siyang mahal ni Adrian. Pinili lamang ni Adrian na ilayo ang sarili kay Clara dahil sa isang lihim ng kanilang mga pamilya na maaaring maglagay sa kanya sa panganib. Ngunit ngayong handa na siyang ipaglaban at bawiin ang asawa, baka huli na ang lahat. Dahil habang abala si Adrian sa pagtatago ng tunay niyang nararamdaman, unti-unti namang nahulog ang loob ni Clara kay Nathaniel. Ngayong desperado nang bawiin ni Adrian si Clara at handa na niyang ipakita ang tunay niyang nararamdaman dito. May puwang pa kaya para sa kanya sa puso nito? O baka huli na ang lahat?
182
After Divorce, The Hidden Tycoon Claimed Me - undefined novels & stories
sugartita
Dalawang taon siyang binalewala ng sariling asawa. Ngunit nang may matuklasan si Calli sa ilalim ng kama ng kanilang silid, saka niya napagtanto ang pinakamasakit na katotohanan—kahit siya ang legal na asawa, pakiramdam niya ay siya ang kabit. Habang unti-unting nawawasak ang kanyang mundo, isang misteryosong lalaki ang dumating at binago ang takbo ng kanyang buhay. Sa araw ng kanyang divorce, si Jaxxon ang unang sumalubong sa kanya—ang lalaking matagal nang itinago ang tunay nitong nararamdaman. Pagkatapos ng isang pusong winasak ng maling pag-ibig, magkakaroon pa kaya siya ng lakas na muling magmahal? O hahayaan na lang niyang tuluyang lumipas ang pagkakataong minsan nang ipinagkait sa kanila?
201
The Masked Billionaire Is My Daddy - undefined novels & stories
jhowrites12
"KATAWAN KO KAPALIT ANG AKING KALAYAAN!" Wala akong pera na puwedeng ibigay para palayain mo. Katawan ko lang ang kaya kong i-offer. And..." bigla siyang nahiya sa susunod na naisip. Pero iyon nalang ang kaya niyang ibigay kapalit ng paglaya. "V-virgìn ako." "Even if you are a vìrgin! I don't like to touch you! Anak ka ng pinakamaruming tao sa lipunan!" "Kung hindi ako, ano? Pera? Wala ako n' on. At sa tingin ko, hindi mo na kailangan ng pera." Nagulat siya nang bigla siya nitong hapitin sa beywang. "Anong ginagawa ng ama mo at ang marumi niyang pera. I'll make him pay! Sigurado akong babayaran niya ang pinakamamahal niyang prinsesa ng kahit anong kayamanan niya!" Hindi natakot si Leona. Siya naman ang tumawa ng malakas. Dahil doon ay kumunot ang noo ng lalake. Amused to why she was acting the way she is. "Nagkamali ka yata ng kinidnap. Kahit humingi ka pa ng singkong duling, hindi ka babayaran ng magaling kong ama! Hindi niya pag-aaksayahan ng pera ang bastardang katulad ko!" **** Nyx Kali Soliman vanished from the world after the death of his wife and unborn child. Nagtamo siya nang matinding pinsala kung saan kinailangan niya ng maraming taon para maka-recover. And when he did. Revenge is his ultimate goal. At uunahin niyang kunin ang mga taong mahalaga sa lalakeng dahilan ng pagdurusa niya ng maraming taon. Paano kung ang taong akala niya ay magpapabagsak sa kalaban ay taong magpapalambot sa matigas niyang puso? Kaya ba niyang kalimutan ang nakaraan para sa pag-ibig na umuusbong? The world is darker. Unsafe. Full of mischievous lies. Just like how Leona lied to him. She carried their child without him knowing. But faith reunited them. She is the secretary. He is the boss. And between them? A four years old baby girl.
10
450
Loving my Proxy Husband - undefined novels & stories
KISMET
Tatlong taon. Tatlong taon na naniwala si Camilla Salazar na ang lalaking katabi niya sa bawat paggising ay ang mismong lalaking pinakasalan niya. Minahal niya ito nang buong puso. Pinagkatiwalaan. Pinangarap ang habang-buhay. Hanggang sa isang gabing aksidente niyang narinig ang lihim na hindi kailanman dapat niyang nalaman. "Hindi na natin ito kayang itago. Kailangan na niyang malaman na hindi siya ang lalaking pinakasalan ni Camilla." Akala niya, imposible. Pero isang katotohanan ang tuluyang sumira sa mundong matagal niyang binuo. Ang lalaking minahal niya sa loob ng tatlong taon... ay hindi pala ang asawa niyang kasama niyang humarap sa altar. Sa gabi ng kanilang kasal, isang trahedya ang nagpabago sa lahat. Isang desisyong ginawa para sa ikabubuti ng lahat ang naging simula ng pinakamalaking panlilinlang sa buhay niya. Ang dapat sana'y ilang linggong lihim... Naging tatlong taong pagsisinungaling. At ang mas masakit? Habang unti-unting nabubuo ang buhay nilang dalawa, totoong nahulog ang loob nila sa isa't isa ngunit ito ang isang pag-ibig na hindi kailanman dapat nagsimula. Bitbit ang wasak na puso at ang anak na nasa sinapupunan niya, tahimik na lumayo si Camilla nang hindi lumilingon. Pagkalipas ng limang taon, bumalik siya para tuluyang ibaon ang nakaraan. Ngunit paano kung hindi pa pala ito tapos? Paano kung muli siyang haharap sa dalawang lalaking magkapareho ang mukha, ngunit magkaiba ang lugar sa puso niya— Ang lalaking naging asawa niya sa batas... At ang lalaking naging asawa niya sa bawat alaala. Sa laban ng katotohanan, kasinungalingan, at pag-ibig... Sino ba talaga ang dapat niyang piliin? At kung ang isang pagmamahalan ay nagsimula sa panlilinlang, karapat-dapat ba itong magkaroon ng pangalawang pagkakataon?
10
172
The Billionaire's Lost Wife And His Little Heir  - undefined novels & stories
Xiakni Aicap_20
Five years ago, Kimberly Jane Torres, vanished in a tragic accident. Kasama na ang ipinagbubuntis nito, dahilan para maging isang cold blooded and heartless ang asawa nitong si Gideon. Too many sleepless nights that tragic accidents are always a nightmare to Gideon. Paulit-ulit niyang napapanaginipan, limang taon siyang naghihirap at hindi siya maka-move on kahit anong gawin niya. Until one day, isang bata ang biglang lumitaw sa buhay niya. Claiming that he is the father, and DNA test reveals that they are related by flesh and blood. He even sees Kimberly alive but doesn't recognize him at all. Ano kaya ang tunay na nangyari five years ago? Sino ang taong nasa likod ng lahat para magdusa sina Gideon at Kimberly? Wala na bang pag-asang maalalang muli ni Kimberly si Gideon? Siya nga ba ang tunay na Kimberly o isa rin itong malaking kasinungalingan? What if may asawa ng iba si Kimberly? Ano ang gagawin ni Gideon?
10
161
Too Late, Your Billionaire Brother Wants Me - undefined novels & stories
Eliana Asher
“Hindi ko hinihingi ang pagmamahal mo, Darius. Isang buwan lang bilang tunay na asawa ko at ama ni Lia. Pagkatapos, palalayain na kita." Isang simpleng pakiusap lang iyon, kapalit ng natitira niyang dignidad. Alam ni Elara na hindi siya minahal ni Darius. Pinakasalan lang siya nito dahil nabuntis siya at iniutos iyon ng lolo nito. Tiniis niya ang malamig nilang pagsasama para sa anak nilang si Lia. May end-stage renal disease si Lia, at dalawang buwan na lamang ang taning ng buhay niya. Ngunit nalaman ni Elara na pinili ni Darius na ibigay ang kidney nito sa anak ni Ivory—ang babaeng tunay nitong mahal. Sa matinding pagkadismaya, isang huling pakiusap ang hiniling ni Elara: maging tunay na asawa at ama si Darius sa loob ng isang buwan. Tinanggap ni Darius iyon, kahit inakala niyang desperadong paraan lang iyon para pigilan siyang umalis. Ngunit nagbago ang lahat sa loob ng isang buwan. Unti-unting binihag ng ngiti ni Elara at lambing ni Lia ang puso ni Darius. Dahil doon, tuluyan siyang naguluhan. Pagkaraan ng isang buwan, umalis si Elara dala ang anak sa America. Naging matagumpay ang transplant ni Lia sa tulong ng isang anonymous donor. Makalipas ang dalawang taon, bumalik si Elara bilang sikat na jewelry designer at may-ari ng sariling luxury brand. Doon niya nalaman na ang donor ni Lia ay si Kenzo—ang bilyonaryong half-brother at mortal na kaaway ni Darius. Nang mabalitaan ni Kenzo na ikakasal na sina Darius at Ivory, napangisi ito. “Gusto mong gumanti, Elara? Pakasalan mo ako.” Balak niyang gawing double wedding ang kasal—para makita ang mukha ni Darius habang si Elara ang naglalakad sa altar para sa kanya. Pero paano kung matanto ni Darius na si Elara pala ang gusto niyang pakasalan? Ipaglalaban ba niya? O huli na para sa isang pagkakataon?
10
335
Damped Wife Becomes A Billionaire - undefined novels & stories
PrinceAldrin
Ikinasal si Cassandra Fuentes kay Sebastian Knight hindi dahil sa pag-ibig, kundi dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya. Sa loob ng dalawang taon, ibinigay niya ang lahat, ngunit tanging lamig at kawalang-pansin ang natanggap niya. Nang hilingin ni Sebastian ang diborsyo upang pakasalan si Isabella—anak ng kanyang kasosyo sa negosyo—tinanggap ito ni Cassandra nang buong sakit at umalis patungo sa probinsya. Doon, ibinalik niya ang kanyang mga pangarap, tinapos ang pag-aaral ng arkitektura, at nagtagumpay sa larangang ito. Lumipas ang limang taon at bumalik si Cassandra bilang isang kilala at matagumpay na arkitekto. Nang magtrabaho silang muli ni Sebastian para sa isang malaking proyekto, nakita ng dating asawa ang kanyang pagbabago at muling umalab ang kanyang pagmamahal at pagsisisi. Ibinunyag ni Sebastian ang katotohanan: hindi niya minahal si Isabella, at ginawa niya iyon upang protektahan si Cassandra mula sa banta ng kanyang pamilya. Matapos ang maraming pagsubok at muling pagtatagpo ng kanilang mga puso, nagkaroon sila ng pangalawang pagkakataon—sa kasal na itinayo hindi sa kasunduan, kundi sa tunay at wagas na ppag-ibig
10
145
Magnus' Protection - undefined novels & stories
CursedExpensive
Alina Montemayor was bound in marriage to Viktor Villaflor—the son of her father’s business partner and heir to a powerful and influential family. Her marriage to Viktor was far from what she had hoped. Instead of love, she endured cruelty. He hurt her, disregarded her, and never treated her as his wife. After her father’s death, Alina uncovered an even deeper betrayal. She found Viktor in their own house with another woman—Ellice Montemayor, her own stepsister. The pain pangs in her heart because of betrayal. A night that she experienced an ultimate betrayal, when her husband cheated on her. She ran, crying under the rain. In the darkest moment of her life, she saw a man she never expected—Magnus Sebastian Blackwood, a young billionaire, flawless, cold, untouchable—a major enemy of her ex-husband’s family, Viktor's own half-brother. In a single night, Alina’s world was thrown into deep chaos… and nothing would ever be the same. She promised herself that when she returned to the city, she would take revenge on all the people who had ruined her life.
350
NAKATALI SA MAGKAPATID NA VALE. - undefined novels & stories
AlterEgo
Ibinenta ko ang sarili ko na parang isang piraso ng lupa. Pero sa halip na isang halimaw... dalawa ang nakuha ko. Ibinigay ako ng aking ama sa kambal na taga-Vale, dalawang mayaman at makapangyarihang lalaking may dugo sa kanilang mga kamay. Si Adrian Vale, malamig at mapagkalkula. Ang kanyang kakambal na si Lucien, ay nababagabag sa likod ng isang perpektong ngiti. Wala silang gustong asawa, gusto nila ng ari-arian. Isang pagkukunwari lang sana ang kasal. Isang kontrata. Isang kapintasan sa kanilang pamana. Ngunit ang mga sumpaan ay totoo. Ang mga kalungkutan ay totoo. At yung paraan ng paghawak nila sa akin? Hindi iyon pag-arte. Dapat sana isa akong pion. Tahimik. Masunurin. Wala na, kapag tapos na sila sa akin. Pero ngayon alam ko na ang mga sikretong maaaring sumira sa kanila. At dinadala ko ang isa sa mga anak nila. Nakakalungkot at wala ni isa sa kanila ang nakakaalam kung sino ang ama. Sayang at pareho ko silang minahal. Ang Bound to the Vale Brothers ay isang madilim at mapanganib na romansa na tumatalakay sa kapangyarihan, obsesyon, at ang kapalit ng pag-ibig na naranasan ng mga halimaw.
10
249
OWNED BY THE RUTHLESS CEO - undefined novels & stories
Darkchoco
Ibinenta ng sariling pamilya kapalit ng limang milyong piso. ​Buong buhay ni Fiona ay inalay niya sa pagtatrabaho para buhayin ang toxic niyang pamilya. Siya ang breadwinner, pero siya ang laging inaalipusta. Nang dumating ang walang pusong bilyonaryo na si Dionysus Goodman para maningil ng malaking utang, walang pag aatubiling ginawa siyang pambayad ng mga taong itinuring niyang dugo at laman. ​Ang akala ni Fiona ay katapusan na ng buhay niya sa kamay ng isang ruthless CEO na may matinding germaphobia. Diring diri si Dionysus sa kanya. Tinawag siyang basura, alipin, at isang maduming pag aari na walang karapatang huminga sa iisang kwarto kasama nito. ​Pero sa bawat malupit na parusa at malamig na pagtrato, may isang nakakabaliw na katotohanan. Kung talagang nandidiri ito sa kanya, bakit tuwing nasa bingit siya ng kamatayan, ang maarte at demonyong CEO ang unang sumusugal para iligtas siya? At bakit lalo itong nagiging malupit sa kanya sa tuwing nakakaramdam ito ng hindi maipaliwanag na kaba at pag aalala? ​Sa larong puno ng galit, pagdurusa, at pilit na itinatagong emosyon, hanggang saan kakayanin ni Fiona ang lupit ng kanyang bagong amo? At paano tatanggapin ng isang halimaw na ang maduming alipin na binili lang niya ay ang tanging babaeng makakabaliw sa kanya?
393
Claimed by the Right-hand man of my Ex-Husband (SPG) - undefined novels & stories
KISMET
"Tanggapin mo siya. Bigyan mo ako ng anak—kahit hindi sa dugo ko." Iyon ang pinakamasakit na utos na narinig ko mula sa sarili kong asawa. Dahil sa isang lihim na problemang hindi niya kayang aminin, pinili niyang ako mismo ang itulak sa bisig ng sarili niyang security guard. Para mailigtas ang aming pagsasama, tinanggap ko ang lahat—kahit kapalit nito ang aking dangal at respeto sa sarili. Akala ko, isang sakripisyo lang iyon para mabuo ang pamilyang matagal naming pinapangarap. Pero nagkamali ako. Dahil sa lalaking ipinilit niyang pumasok sa buhay ko, natagpuan ko ang respeto, pag-aaruga, at pagmamahal na matagal ko nang hinihintay. Sa halip na gamitin ako, pinahalagahan niya ako. At sa bawat sandaling magkasama kami, mas lalo kong nakakalimutan na bawal ang nararamdaman ko para sa kanya. Dahil security guard lang siya. At ako ang asawa ng kanyang amo. Hanggang sa isang araw, natuklasan ko ang masakit na katotohanan—hindi lang pala ako ang may lihim sa aming pagsasama. May sarili ring pagtataksil ang asawa ko. Kaya nang malaman kong buntis ako, nagpasya akong tumakas. Pero bago pa man ako makalayo, nahabol niya kami. "Hindi ka aalis dito!" sigaw niya habang pilit akong hinihila. Nang tangkain niya akong saktan, biglang humarang ang security guard. "Don't touch her." At sa isang iglap, napalibutan ng mga mamahaling sasakyan at armadong lalaki ang buong bahay. Doon ko nalaman ang tunay niyang pagkatao. Hindi siya simpleng security guard. Isa siyang nawawalang bilyonaryo—at ang pinakamapanganib na kalaban ng asawa ko. Tumingin siya sa akin bago malamig na binalingan ang lalaki. "From now on, she's under my protection." Humakbang siya palapit. "At ang anak na nasa tiyan niya?" Bahagya siyang ngumiti. "Mine. And I'll destroy anyone who tries to hurt my family."
10
251
Betrayed by Blood, Claimed by the Billionaire (SPG) - undefined novels & stories
HAKUJI
"Baog ka." Two words that turned her marriage into a living hell. Gabi-gabi, ipinamumukha ng asawa niyang wala siyang kwenta—hanggang sa narinig niya ang ungol ng dalawang taong pinakapinagkatiwalaan niya sa mismong kwarto nila. "Galingan mo pa... I need an heir, and your sister can never give me that." It was never just about an heir. Her husband and her own flesh-and-blood sister were tearing her dignity apart right under her roof. She didn't scream. She didn't cry. Nagpanggap siyang walang alam. But the exact second her sister gave birth, umalis siya, leaving them chained to a dirty, unforgivable secret. Now, the fragile wife is dead. The woman who returned is colder, deadlier, and dangerously breathtaking. And she didn't come back alone. Shadowing her every step is an untraceable billionaire—a ruthless man. "Let me ruin them for you," he purrs, his heavy, dangerous touch tracing down her spine, igniting a raw, filthy passion she never knew existed. "In exchange... akin ka lang." Nang makita ng ex-husband niya kung paano siya angkinin ng lalaking kinatatakutan ng lahat, nabaliw ito sa inggit. "You're making a mistake!" tatawa-tawang halakhak ng ex niya. "Baog ang babaeng 'yan! She's useless! She can never give you an heir!" Before the sting of the past could touch her, a broad hand locked tightly around her waist, pulling her flush against his rock-hard chest. The billionaire leaned down, dark eyes flashing with lethal possession as he smirked. "I disagree with that," he sneered cold-bloodedly. "Because right now... she's pregnant with my child." As her ex-husband’s jaw dropped in disbelief, the billionaire slid a burning hand up her thigh, whispering a dark, intoxicating secret only she could hear: "Now tell me, sweetheart... is this baby really mine, or are we just playing the deadliest game of revenge?"
150
Make The Hard One Surrender (SPG) - undefined novels & stories
HAKUJI
"Some hearts are too cold to love. Some souls are too broken to forgive. But what if the only way to win... is to make the hardest one surrender?" Hindi ko hiniling na maging kabit. Hindi ko rin ginustong mahalin ang lalaking kilala bilang pinakamakapangyarihang CEO sa buong bansa—si Kael Alaric Monteverde, isang bilyonaryo na walang kinatatakutan, walang pinaniniwalaan, at walang pusong kayang tapatan ang lamig ng kanyang mga mata. Sa mundong ginagalawan niya, lahat ay may presyo. Loyalty is bought. Love is temporary. At ang tiwala? Isang kahinaan na matagal na niyang pinatay. Pero nang mahuli ko ang fiancé kong may ibang babae—at ang babaeng iyon ay sarili kong kapatid—akala ko iyon na ang pinakamasakit na pagtataksil na mararanasan ko. Nagkamali ako. Dahil ang lalaking nag-alok na tulungan akong gumanti... ay may sarili ring madilim na plano. Isang fake relationship ang nagsimula bilang kasunduan. Isang laro ng seduction, manipulation, at paghihiganti. Habang ginagamit namin ang isa't isa para sirain ang mga taong sumira sa amin, unti-unti ring nababasag ang mga pader na matagal naming itinayo. Pero paano kung ang lahat ng ginagawa niya ay bahagi lang ng mas malaking paghihiganti? Paano kung ang lalaking unti-unti kong minahal ang mismong taong may dahilan para wasakin ang buong buhay ko? Sa mundong puno ng kasinungalingan, lihim na relasyon, corporate wars, at pamilyang handang pumatay para sa kapangyarihan, isang tanong lang ang mananatili— Sino ang unang susuko? Ang babaeng tumangging magmahal muli... o ang lalaking isinumpang hindi na muling iibig? Dahil minsan, ang pinakamahirap pasukuin ay hindi ang kalaban... Kundi ang pusong matagal nang isinara sa pag-ibig.
186
TOO LATE TO ESCAPE: THE ZILLIONAIRE'S OBSESSION - undefined novels & stories
Kenpachi Zaraki
Akala ni Althea ay tuluyan na niyang natagpuan ang taong makakasama niya habang buhay sa katauhan ng kaniyang asawa na si Bran, ngunit isang buwan pa lang silang kasal ay bigla na lamang itong nagbago sa pakikitungo sa kaniya at worst, may ibang babae pala ito at ginamit lang siya para makakuha ng malaking investment mula sa kaniyang ama. Dala ng sakit at pagkabigo, ay pumunta siya sa isang bar at umupa ng lalaking makakapagpaligaya sa kaniya ngunit... Ibang silid pala ang napasukan niya kung saan ay naroon si Killian Ross— ang bilyonaryong kinatatakutan ng lahat. Dala ng alak ay ginawa niya ang lahat para lumigaya ng gabing iyon dahil ang akala niya ay ito ang lalaking inupahan niya, little did she know, ay iba pala. ——— “Little Miss, you are too late to escape now.” Pero paano kung sa likod ng obsession ng lalaki sa kaniya ay may lihim na nakatago? Paano niya ito tatanggapin? Handa pa rin niya ba itong mahalin sa kabila ng lahat ng ginawa nito sa pamilya niya?
282
HIS SECRET BLUEPRINT - undefined novels & stories
R.A Nulla
SYNOPSIS: ​Matapos mahuli ang masakit na pagtataksil ng kanyang asawang si Mark, gumuho ang mundo ng simpleng guro na si Liza. Sa gitna ng kanyang paghihinagpis, isang lalaki ang dumarating para saluhin siya—si Julian Valderama. ​Si Julian ang kagalang-galang na arkitekto na tumayong Ninong sa kasal nina Liza at Mark. Ngunit sa likod ng kanyang mga blueprint at malawak na koneksyon, may itinatago siyang madilim na sikreto: siya ay isang bilyonaryong kumikilos sa anino, at matagal na niyang pinaplano ang pag-angkin kay Liza. ​Habang dahan-dahang sinisira ni Julian ang pamilya Reyes bilang ganti sa pananakit nila kay Liza, pilit namang kumakapit si Mark sa kapangyarihan. Sa desperasyon, nakipag-alyansa si Mark sa underground kingpin na si Hector—ang tiyuhin ng kanyang ambisyosang kabit na si Cindy. ​Sa gitna ng digmaan ng legal na kapangyarihan at madilim na operasyon, kailangang mamili ni Liza: mananatili ba siya sa wasak na pundasyon ng kanyang nakaraan, o susuko siya sa mapanganib at mapang-angking proteksyon ng lalaking matagal nang bumuo ng blueprint para sa kanyang puso?
10
457
Forbidden Obsession with my Bestfriend's Father - undefined novels & stories
MsJayella
“Piliin mo ako, Zarie. Hayaan mong makita ng lalaking nanloko sa iyo kung sino ang tunay na karapat-dapat sa pusong kanyang sinayang.” Akala ni Zarie ay mahal siya ng asawang si Diego nang tunay — ngunit minahal lamang siya dahil sa kanyang yaman. Kaya noong nawala ang lahat ng kanyang kayamanan, doon na rin siya itinakwil. Habang kasal pa sila, lihim na naging magkarelasyon si Diego at ang sarili niyang kaibigan na si Amara. Isang gabi, isinama siya ni Miguel — ang ama ni Amara — sa isang marangyang pagtitipon. Doon, nakita niya silang dalawa na masayang magkahawak-kamay. At mas lalo siyang nasaktan nang malaman na sa paningin ng iba, akala nila ay siya ang umalis at humanap ng mayaman — habang ang totoo, siya ang binabaliwala ng asawang tila inosente sa paningin ng lahat. Si Miguel, makapangyarihan at dominante, ay nakita ang lahat. Sa halip na kumampi sa sariling anak, siya ang lumapit kay Zarie upang ipakita kung paano dapat mahalin ang isang babae. Hindi akalain ni Zarie na sa piling ng ama ng babaeng sumira sa kanyang pamilya, doon niya mararamdaman ang tunay na pagmamahal na kailanman ay hindi ibinigay ng kanyang asawa. Si Miguel ay handang harapin ang lahat, kahit sariling anak, upang siya ay makapiling. Paano kung sa huli, mapagtanto ni Zarie na ang tunay na pag-ibig ay hindi sa asawang nang-iwan, kundi sa ama ng kaibigang nanloko sa kanya? Makakaya kaya niyang piliin ang pagmamahal na ipinagbabawal ng lahat — at gamitin ito upang ipakita sa kanila kung gaano kalaki ang kanilang pagkakamali?
10
189
REMEMBER ME, NEVER - undefined novels & stories
PenWonderWrite
Nagising si Elena Castillo sa isang ospital na walang kahit anong alaala tungkol sa buhay na minsan niyang tinawag na kanya. Ang nakaraan niya ay tila pira-pirasong larawan na nakabaon sa kanyang isip. Si Alessandro De Luca, ang misteryosong asawa niya, ang tanging taong tila nakaaalam ng kanyang nakaraan. Malamig sa ibang tao ngunit mapagprotekta sa kanya, hindi umaalis si Alessandro sa tabi niya. Sinabi nitong dalawang taon na silang kasal, mahal niya si Elena, at wala na siyang ibang minahal kundi ito. Habang unti-unting bumabalik ang mga alaala, palagi niyang nakikita sa panaginip ang isang lalaking malabo ang mukha. Isang boses. Isang haplos. Isang pangalang hindi niya maalis sa isip Nathan. Si Nathan Reyes ay dating bahagi ng buhay ni Elena, mula kolehiyo hanggang sa kanilang pagtatrabaho. Bakit nagbabago ang kilos ni Alessandro sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Nathan? Bakit may naaalala siyang halik mula sa ibang lalaki kahit alam niyang asawa niya si Alessandro? At ano ba talaga ang nangyari bago ang aksidente? Ngunit bawat sagot ay tila humahantong sa panibagong lihim, at bawat alaala ay naglalapit sa kanya sa isang katotohanang maaaring hindi pa siya handang harapin. Sa mundong ang pagmamahal ay maaaring maging obsesyon, ang mga alaala ay maaaring maging sandata, at ang katahimikan ay maaaring magtago ng madilim na sikreto, kailangan ni Elena na alamin kung ano ang nawala sa kanya bago may ibang magdesisyon kung ano lamang ang maaari niyang maalala. May mga alaalang hindi dapat matagpuan. May mga katotohanang mas mabuting manatiling nakabaon. Ngunit kapag nagsimulang tawagin ng nakaraan ang kanyang pangalan, hindi na makatatakbo si Elena. Remember Me, Never ay isang madilim na kuwentong sikolohikal na romansa na puno ng misteryo, obsesyon, sikreto, emosyonal na tensiyon, at mga alaalang maaaring magbago sa lahat ng paniniwala ni Elena sa kanyang mundo magpakailanman.
10
309
PREV
12345
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status