Yzrah, Ang Lakwatsera (Bachelorette Series 1)
kaagad na sagot ni Ivan at halata ngang gusto niyang makipagtulunga kami.
"Una, pinapasok kayo ng Hermana sa teritoryo nito, kaya ang lahat ng utos ay manggagaling sa Hermana. Ibig sabihin, I will lead this mission. I will give the orders. I will be your team captain," seryoso kong sabi. "Pangalawa, hindi pwedeng dito tayo bubuo ng headquarters lalo na at parami nang parami ang taong involved. Hindi naman pwedeng labas-pasok na lang ang mga hindi taga-Hermana. May mga protocol kami kaya alam naming hindi kami masusundan ng mga kalaban, pero kayo, what if masundan kayo ng hindi ninyo napapansin? So para mas sigurado, maghahanap tayo ng lugar para maging headquarters. Pangatlo, sampu lang sa i