Love Revenge Game
Pabalik-balik kong sinusuklay ang nagkakalat kong buhok nang mabilisan upang kaagad na magtungo sa salas.
Dahil sa amoy, napalabas at napasayaw na lamang ang aking dila nang madatnan ang mga ibaʼt ibang putahe sa hapag-kainan: tilapya na punong-puno ng mga pula at berdeng kamatis sa ibabaw at sa bandang hiwa rito, mga ibaʼt ibang klase ng tuyo na napapalibutan ng maliit na pinggan na naglalaman ng suka, naglalakihang dalawang hiwa ng talong na nilagyan ng itlog, at kanin na nilagyan ng itlog, toyo, asin, bawang, sibuyas, paminta, at pira-pirasong gulay.