Ang Lihim Na Dalaga ng Amo
Rose_Brandmy demon tagalog dubbed episode 1true beauty tagalog dubbed
Naguguluhan si Ana, alam ni Rea ang masamang ugali ng anak niya, alam niya na palipat-lipat ang yaya ni Lorita, pero bakit nagtatago pa rin siya at hindi nakikipagkita kay Lorita?
Ngumiti si Ana habang tinitignan si Rea at sinabi, “Sa totoo lang po, hindi ko po maintindihan kung bakit sinasabing masama ang ugali ni Lorita. Simula po nang makilala ko siya, para po siyang anghel. Lagi siyang nakangiti, mabait, hindi po siya sumasagot kapag alam niyang tama ang sinasabi ko. Mahal na mahal din niya ang kapatid niya, madalas ko siyang pinagkakatiwalaan na magbantay kay Nathan lalo na kapag naghahanda ako ng almusal para sa kanila. Ayaw kasi nilang kumain ng almusal kung hindi ako ang nagluto.”