Breaking His Law
Baka naman ay sa kaniya talaga nanggagaling ang mga ito.
Noong oras ng aming meeting, dumating na rin si Atty. Lorcan. Siya ang prosecuting attorney na may hawak sa kaso, the same guy whom I met at the after party, ang pinakilala sa akin ng representative ng clothing brand.
“Good morning, Miss Sandoval,” bati ni Atty. Lorcan. Kami pa lang ang nasa board meeting.
“Good morning, Attorney,” bati ko at tinanggap ang kaniyang pakikipagkamay nang bumaba ang tingin nito sa bandang leeg ko at napangiti.