THE BLIND HITMAN: RAMIRO CASTILLEJO
Iyon lang at pinatay na ni Aarav ang tawag.
Siobeh na naman, tangina, puro na lang Siobeh bukang bibig. Nakaka tanga ata talaga ang magmahal. Nakalimutan ko na ang pakiramdam ng mabaliw sa isang babae simula nang mabulag ako. Elise was the last women that I truly loved pero kinuha pa siya sa akin at ako ngayon heto… naiwang nawawala, nangangapa sa dilim, hindi ko alam kung saan papunta ang buhay ko, wala ng direksyon, ni hindi ko man lang maipagtanggol ang kaisa isang kapatid ko.