Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Substitute Bride of The Billionaire

The Substitute Bride of The Billionaire

Nangangailangan si Sapphire ng malaking halaga upang maoperahan sa puso ang kanyang ina kaya tinanggap niya ang alok ng kanyang ama, ang maging substitute bride. Ayaw kasi ng half-sister niyang si Fiona na magpakasal sa isang bilyonaryo na lumpo na nga, bulag pa at masama pa daw ang ugali. Aanhin daw ni Fiona ang pagiging bilyonaryo nito kung hindi niya ito maipagmamalaki sa kanyang mga kaibigan. Ngunit dahil nga pabagsak na rin ang kumpanya ng kanilang ama ay kailangan isa sa kanila ay magpakasal dito. Napatunayan nga ni Sapphire na masungit si Kaiden sa ilang linggong pananatili sa bahay nito. Pero inintindi na lang iyon ni Sapphire dahil sa kalagayan nito. Noong una nga ay nagalit pa ito dahil alam ni Kaiden na hindi siya ang dapat niyang papakasalan. Pinagbintangan pa siya ni Kaiden na pera lang at apelyido ang habol nito sa kanyang pamilya. Pero hindi sumuko si Sapphire hanggang sa unti-unti niya nakilala si Kaiden, napagtanto niyang isa itong mabuting tao at asawa sa kanya. Ngunit dito naman dadating ang iba't ibang pagsubok na susubok sa kanilang pagiging mag-asawa. Mga lihim na akala nila ay maibabaon na nila sa lupa. Malalampasan kaya nina Sapphire at Kaiden ang mga ito? O tuluyan na magkakaroon ng lamat ang kanilang pagsasama na hahantong sa pagkawasak nito.
10879 viewsOngoingAdded to Library 23 Times as bahay bata
Read
+Library
Contract Marriage With My Billionaire Ninong

Contract Marriage With My Billionaire Ninong

SYNOPSIS Dahil sa kahirapan, isinakripisyo ni Amelia ang kanyang kalayaan upang matulungan ang kanyang lolang may sakit sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanyang ninong. Para na rin makalimutan niya ang kanyang ex-boyfriend na pinagpalit siya sa mayaman. Lumapit siya sa kanyang ninong upang humingi ng tulong, pero isang kasunduan ang binigay nito. Tutulong lamang ito sa kanya kung magpapakasal silang dalawa. Ang kasal na hindi bunga ng pag- ibig, ang isa sa pinakaayaw ni Amelia Chandria Lopez pero nilunok niya ang prinsipyong iyon. Natali siya sa kanyang ninong na isang bilyonaryo na si Felip Nicolas Sanvitores. Tumira sila sa iisang bahay at magkasama sa iisang kama. Para masuklian ang mga tulong na binigay ng ninong niya, ginawa niya ang kanyang tungkulin bilang isang asawa. Naging mabait sa kanya ang kanyang ninong, lahat ng pangangailangan nilang dalawa ng lola niya ay binibigay nito. At sa hindi inaasahan ay ginampanan din nito ang tungkulin bilang asawa niya kung saan unti- unting nahulog ang loob niya sa kanyang ninong. Ngunit may isang lihim na natuklasan si Amelia. Na ang kanyang ninong ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya. Ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Kaya pa kaya niyang mahalin ang taong sumira sa kanyang mundo? Kaya niya kayang magpatawad at ipagpatuloy ang pagmamahalan nilang dalawa?
1012.8K viewsOngoingAdded to Library 268 Times as bahay bata
Read
+Library
Chained by the Billionaire

Chained by the Billionaire

Akala ko tapos na ang gabi. Tahimik na ang buong bahay, pero hindi ang dibdib ko. Kagagaling lang namin sa isang party—hosted by his mother. Ang daming tao. Ang daming mata. Pero kahit na ipinakilala niya akong secretary lang, ramdam ko ang pag-aangkin sa bawat sulyap niya. Lalo na nang may lalaking lumapit sa akin. Lalo na nang ngumiti ako, kahit sandali. Doon ko siya nakita—yung paninigas ng panga, ang lalim ng tingin na parang babagsak ang langit. Kaya hindi na ako nagulat nang may kumatok. Malakas. Walang pasintabi. Pagbukas ko ng pinto, naroon siya. Si Cayden. Nakatayo sa dilim, may halong galit at silakbo sa mukha. Hindi siya nagsalita agad—dumiretso siya sa loob, isinara ang pinto, at hinila ako papunta sa kama. “Cayden, what are you—stop!” Nagpumiglas ako. Umiwas. Pero hinigpitan niya ang hawak sa braso ko. Lumuhod siya sa kama, pinilit akong mapahiga. At saka siya bumulong, malamig ang boses, pero parang nasusunog ako sa bawat salita. “Tonight, whether you like it or not… I’m going to claim you.” Nanlaki ang mata ko. Hindi ito tanong. Hindi ito pakiusap. Ito ang utos ng isang lalaking hindi kailanman tinanggihan. Hindi siya aalis. Hindi siya titigil. At ngayong gabi— Tatatakan niya ako ng pangalan niya. Kahit hindi ako handa.
1032.1K viewsCompletedAdded to Library 1.2K Times as bahay bata
Read
+Library
Bastarda Series-||: Love in the time of CHAOS

Bastarda Series-||: Love in the time of CHAOS

Isang pagkakamali ang nagawa ni Aria ng gabing iyon. Hindi sapat ang kinikita niya bilang janitress sa isang fastfood chain, kasabay ng kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Dahil sa kahirapan ng pamumuhay ay nagawa niyang tanggapin ang alok sa kanya ng kapit bahay niyang nagtatrabaho sa club, dahil kailangang maoperahan ang kaniyang tatay sa lalong madaling panahon. Hindi lingid sa kaalaman ni Aria na isa s'yang ampon, natagpuan na lang ito ng pamilyang kumopkop sa kanya noong sanggol pa lamang ito sa tabi ng dalampasigan noon. Hindi nito alam na ang lalaking kumuha ng serbisyo nito ng gabing iyon ay maimpluwensyang tao likas na mayaman at tinitingala ng lahat. FUCKLERS DAX MONTEFALCO 25year old isang multi billionaire at businessman ng bansa na nilagyan ni Aria ng sleeping pills ang iniinum nitong alak upang hindi makuha nito ang matagal na n'yang iniiangatan pagkakababae. Sa edad ni Aria na 20 year old ay wala pa itong nagiging karelasyon kaya ganun na lamang ang pag-iingat nito sa kanyang sarili. Paano kaya matatakasan ni Aria ang lalaking pilit syang hinahanap upang maparusahan sa pagkakasalang panloloko nito sa lalaki? Sana inyo pong subaybayan ang kwento nila Mr. Fucklers Dax Montefalco at ni Aria Zelle Celedonio sa LOVE IN THE TIME OF CHAOS Bastarda Series-two akda ni J.C.E CLEOPATRA.
105.4K viewsCompletedAdded to Library 184 Times as bahay bata
Read
+Library
Marrying You

Marrying You

Md Quinceañera
Ang pamilya Tengco ay may dalawang anak na babae. Ang kanilang bunsong anak na babae. Si Brianna Tengco, ay kilala sa kanyang kagandahan. May tsismis na hindi mailarawan ang ganda niya. Gayunpaman, ang panganay na anak na babae ng pamilya Tengco, si Heile Tengco, ay may mababang IQ mula noong siya ay bata pa at nagsimula lamang siyang magsalita noong siya ay anim taong gulang. Itinuring siya ng kanyang mga magulang bilang isang pasanin habang tinatrato siya ng labas ng mundo bilang isang katatawanan. Gayunpaman, walang nakakaalam na si Heile ay may tunay na kakaibang katalinuhan na nahuling nabuo. Pagkatapos, nabuntis si Heile sa hindi malaman dahilan. Apat na buwan sa kanyang pagbubuntis, pinilit siya ng kanyang mga magulang na pakasalan ang pinakamayamang lalaki sa City, ang pamilyang Bueno. Ang mga usapan ay ang kanyang asawa ay isang matandang lalaki na paralisado sa kama mula noong edad na walo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nang magpakasal si Heile sa pamilya Bueno, nalaman niyang hindi lang matanda ang kanyang asawa, guwapo rin ito. Siya ang Young Master ng pamilya Bueno na hinangaan ng lahat— si Kerr Bueno.
107.3K viewsOngoingAdded to Library 278 Times as bahay bata
Read
+Library
Maghihintay Na Mahalin

Maghihintay Na Mahalin

Bata pa lamang si Niahmn crush na ang naramdaman niya para sa bestfriend ng Kuya Ivan niya na si Marcus. Ngunit bukod sa age gap nilang dalawa. Marami din itong katangian na wala siya. Matalino kasi ito kumpara sa kanya na masaya nang sumabit sa exam. Active din ito sa sports hindi katulad niyang lampa. For her, Marcus is the perfect boyfriend and hubby in the future. Kaya itinago niya ang kanyang nararamdaman ng ilang taon. Hanggang isang araw, bigla na lang itong umalis at hindi man lang nagpaalam sa kanya. Naging kuntento na lamang siya na makita ito sa video call at habang hinihintay niya ito ay ginawa niya ang lahat upang maging karapatdapat siya kay Marcus balang araw. Limang taon ang lumipas nalaman na lamang niyang limang taon na din pala itong kasal kay Railey. Nadurog ang puso ni Niahm at naging resulto nito ay na-aksidente siya at nawalan ng ala-ala. Ngunit paano kung bumalik si Marcus na bitbit ang ala-alang yun at ipaglaban siya? Magagawa kaya ng puso ni Niahm ang ma-alala muli ang lalaking sa murang edad ay pinakamamahal na niya? Kung may ibang lalaki nang nagugustuhan ang puso ni Niahm?
103.3K viewsCompletedAdded to Library 115 Times as bahay bata
Read
+Library
Marrying You

Marrying You

Ang pamilya Revilla ay may dalawang anak na babae. Ang kanilang bunsong anak na babae. Si Danice Belle Revilla, ay kilala sa kanyang kagandahan. May tsismis na hindi mailarawan ang ganda niya. Gayunpaman, ang panganay na anak na babae ng pamilya Revilla, si Heile Revilla, ay may mababang IQ mula noong siya ay bata pa at nagsimula lamang siyang magsalita noong siya ay anim taong gulang. Itinuring siya ng kanyang mga magulang bilang isang pasanin habang tinatrato siya ng labas ng mundo bilang isang katatawanan. Gayunpaman, walang nakakaalam na si Heile ay may tunay na kakaibang katalinuhan na nahuling nabuo. Pagkatapos, nabuntis si Heile sa hindi malaman dahilan. Apat na buwan sa kanyang pagbubuntis, pinilit siya ng kanyang mga magulang na pakasalan ang pinakamayamang lalaki sa City, ang pamilyang Buenaventura. Ang mga usapan ay ang kanyang asawa ay isang matandang lalaki na paralisado sa kama mula noong edad na walo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nang magpakasal si Heile sa pamilya Buenaventura, nalaman niyang hindi lang matanda ang kanyang asawa, guwapo rin ito. Siya ang Young Master ng pamilya Buenaventura na hinangaan ng lahat— si Kerr Adam Buenaventura.
53 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as bahay bata
Read
+Library
Ghost be with me (TAGLISH)

Ghost be with me (TAGLISH)

Pseudonym
Bata palang ay nakakakita na si Melody ng mga multo. Sinusubukan nya itong iwasan dahil 'yon ang sabi ng mama nya dahil nakikita nitong na bu-bully sya noon ng mga kaklase dahil sa pagiging weirdo. Pero kahit anong iwas nya ay wala, naiinis sya sa mga multo kaya hindi minsan ay hindi nito mapilang awayin at sigawan ang mga multong kinaiinisan nya at sanay na 'tong tawaging weirdo sa skwelahan nila. Lahat na yata ng studyante ay ayaw sakanya, bukod sa mahirap siya ay napalalapit din sya sa heartthrob ng school nila... Sa skwelahan na hindi sya bagay pero nakikibagay. Nakapasok lang naman sya sa school na 'yon dahil kaibigan ng mama nya ang may-ari non... Pero pano kung isang araw ay malaman nyang 'yon ang totoo nyang ama? May mam-bu-bully pa kaya sakanya? Ano nga bang magiging buhay nya kasama ang ama at ang mga multong nakapaligid sakanya? Makakahanap pa kaya sya ng lalaking tatanggapin ang pagka weirdo nya? Yong lalaking naniniwala sakanya...pero pano kung makatagpo sya ng lalaking hindi naniniwala sa multo? Tunghayan natin ang kwento ni Melody at pati ang mga multong laging nakasunod sakanya, tunghayan natin ang sari-sarili nilang kwento.
1.6K viewsOngoingAdded to Library 63 Times as bahay bata
Read
+Library
I Caught The Billionaire's Obsession

I Caught The Billionaire's Obsession

THEGUYWITHTHEGLASSESIndependentDramaMysteryTragedy
Bakit kaya hindi pantay ang mundo? Bakit hindi na lang kaya mayaman ang lahat ng tao para wala ng mahirap? Para wala ng nagugutom? Para wala ng gumagawa ng masama para lang may mauwing pagkain sa hapag? Bakit kaya may mga mahihirap na katulad ko? Bata pa lang ako. Iyon na palagi ang tinatanong ko sa sarili ko. Kung bakit may mga mahirap na kagaya ko. Masama ba akong tao sa nakaraan kong buhay at pinaparuhasan Niya ako't ang pamilya ko ng ganito? Ewan ko. Basta ang alam ko lang na tinatak ko sa isip ko ng magdalaga ako- hindi titigil ang mundo sa 'yo kung patuloy at patuloy mo lang iisipin kung gaano kahirap ang buhay. Hindi uulan ng pera kapag hiniling mo. At mas lalong hindi magiging magaan ang buhay mo kung puro hiling ka lang sa Kanya at walang kasamang pagbabanat ng buto. Natuto ako sa mahirap na paraan. At iyon ang ginagamit ko ngayon na sandata araw-araw sa malupit at madilim na mundo na ginagalawan ko ngayon. "KEISHA! Ikaw na ang sasalang sa stage! Bilisan mo na! Marami ng mga guest ang naghihintay sa 'yo!" A novel by: TheGuyWithTheGlasses STATUS: COMPLETED Date started: June 18, 2022 Date finished: September 19, 2022
9.941.0K viewsCompletedAdded to Library 1.2K Times as bahay bata
Read
+Library
Si Ninong Ang First Love ko

Si Ninong Ang First Love ko

Si Jacob Castro ay aroganteng, gwapo,at mayaman ang pamilya nito. Bukod doon ay nagsikap ito para maitayo ang pangarap na kompanya. Si Jacob castro ay ninong at unang pag ibig ni Erica Canbunco. Nilayuan ng dalaga ang binatang ninong dahil sa akala ng dalaga na may affair ang mama nito at ang ninong niyang si Jacob Castro. Bestfriend ng papa niya si Jacob at hinahangaan niya ang ninong noong bata palang sya. Akala ng dalaga ay ang Ninong Jacob niya ang dahilan kung bakit naghiwalay ang Mama at Papa ng dalaga. Anu nga ba ang lihim ng Mama ay Ninong nito? Bakit patuloy na nagtitiwala ang papa ng dalaga sa Ninong nya? Hiniling ng papa ni Erica na alagaan ito ng kaibigan na si Jacob sa pag-aakalang nagpa-part-time job ito sa ninong niya. Dahil doon ay inalam ni Jacob kung saan ba nagtatrabaho ang dalaga. Piununtahan ni jacob ang pinagtatrabahuhan ng dalaga, Sumasayaw sa maharot na musika, suot ang kapirasong tela na nag tatakip sa pribadong katawan nito. Anu kaya ang gagawin ni Jacob sa dalagang inaanak? Isususmbong ba nito nag dalaga sa ama? O bilang isang ninong ay siya ang pag tutuwid sa pasaway na inaanak?
153 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as bahay bata
Read
+Library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status