Akin Ka. Hanggang Langit (SSPG Series)
Sa screen ay nag-i-slide ang mga makikinang na proyekto ng lokal na pamahalaan, hanggang sa huminto ito sa isang pamilyar at kinasusuklamang mukha.
*“Tungo sa Bagong San Ignacio. Mayor Chance De La Serna.”*
Napatigil si Nayah sa paglalakad. Kahit basang-basa ng ulan, tila nag-apoy ang kalamnan niya. Nakatitig siya sa mukha ng Alkalde. Perpekto ang bawat anggulo nito—matangos ang ilong, matalim ang panga, at may mga matang tila kayang bumasa at sumunog ng kaluluwa ng kahit na sinong tumitig dito. Si Chance De La Serna. Isang bilyonaryo, isang politiko, at ang kinatatakutang halimaw ng San Ignacio.
Hot Chapters