Chasing Solace
Masaya na rin siya na may ganitong klaseng boss na sa kabila ng pagiging business-minded at sobrang busy, tila may malasakit pa rin sa mga tao.
Ngayon, parang gusto niya nang bigyan ng medalya si Mr. Salfuego bilang the most thoughtful boss of 2024. Hindi niya inaasahan na ganito pala siya, na sa kabila ng mayamang buhay at pagiging misteryoso, kaya rin pala nitong maging maalaga at considerate.