Sold To The Devil (Tagalog)
Buong buhay ni Mildred ay isa lamang siyang bayarang babae. Maganda siya't pinagnanasaan ng mga kalalakihan, ngunit kilala siya sa Underground hindi lang sa kaniyang ganda—kundi sa pagiging bayolente niya sa mga lalaking bumibili sa kaniya. Sanay na siya sa madilim na mundong iyon, ngunit kahit anong mangyari, hinding-hindi niya bibitawan ang pangarap na balang araw ay magiging malaya siya.
Pero nagbago ang lahat nang bilhin siya ni Zaccheus Gonzales, ang pinaka-makapangyarihang mafia boss sa bansa. Isang lalaking walang konsensya at sanay makuha ang lahat ng gusto niya—at ngayon, iisa lang ang kailangan niya: isang tagapagmana.
Unang tingin pa lang, alam na ni Mildred kung anong klaseng lalaki siya. Wala siyang pakialam kung gaano ito kagwapo o kayaman. Ngunit nag-alok si Zaccheus ng isang bagay na hindi niya kayang tanggihan—maging asawa niya at dalhin ang kaniyang anak, kapalit ng kalayaang matagal na niyang pinapangarap.
Isang simpleng kontrata, ngunit isang madugong sugal. Sa oras na pirmahan niya ang kasunduan, makukuha kaya niya ang kalayaang hinahangad niya, o tuluyan siyang mabibilanggo sa bisig ng isang demonyong ayaw siyang pakawalan?
Chapitres populaires
Voir plus