Mamamatay Na Ako... Bukas!
"Tinawanan lang nilang dalawa! How could that be possible raw? Sabi ni Eve, mahal na mahal daw siya ni Alden kaya paano raw siya papatayin nito? Saka ganoon daw ba ka-tanga si Janine para madulas sa banyo at mamatay? Siguro baliw raw itong si Jude at nag-iimbento lang, at sana raw kung nag-iimbento lang si Jude, yung mas magandang version naman ng death para naman realistic."
Nabagabag ako sa nalaman ko. Si Laila mamamatay bukas, si Janine sa weekend at si Eve next month.
"At ikaw... Sasaksakin ka ng mad man..." pagkumpirma ko.
Napabuntong-hininga siya, niyakap niya ako at nagsimulang umiyak, "I don't want to die, Bianca! I still have so many dreams na gusto kong i-accomplish! Gusto ko pang
Bab Populer