Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Sweet Disposition

Sweet Disposition

risingservant
Hanggang kailan ba dapat manalig sa ngalan pag-ibig? Paano pagniningasin ang apoy kung ito’y aandap-andap na? Kakapit ka pa rin ba kahit alam mong wala nang pag-asa? O palalayain na lang nang puso’y ‘di na magdugo pa? Maagang namulat si Juness sa reyalidad ng buhay. Matapos masawi sa unang pag-ibig, akala niya’y hindi na siya makababangon pa. Ngunit hindi ito ang naging dahilan para siya’y sumuko. Natuto siyang maghintay hanggang sa muli niyang makamtan ang tamis ng pag-ibig. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang tamis ay unti-unting nahahaluan ng pait. Akala niya, siya na ang magwawakas sa pagiging playboy ni Amos Zerudo ngunit isa lang pala siya sa mga naging laruan nito. Makakaya niya kayang maituwid ang landas ng binata? Paano niya susugpuin ang mga kumakapit na linta? Sadyang mapaglaro ang tadhana, madalas… ito’y nakababahala. Pakiramdam ay pilit na pinaiigting hanggang sa ika’y dumaing. Mapaghilom pa kaya ni Juness ang natamong sugat? O hahayaan niya na ang kirot ay dahan-dahang kumalat?
Romance
104.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Unveiling Hidden Desires

Unveiling Hidden Desires

AISLEMOURN
Laki sa layaw at brat si Beatrice Lustre. Dahil nag-iisang anak, alam niya sa sariling siya ang magiging heiress sa nagkalat na branches ng Lustre Hotel Services sa Pilipinas. Kaya naman sa debut party ng dalaga, engrandeng selebrasyon ang inihanda ng mga magulang. Ang hindi niya alam, sa pagkakataong iyon na pala magbabago ang kaniyang buhay. Dumating ang unfamiliar na gwapong lalaki bilang last dance niya, si Lucas Sebastian Apollo. Siya ang pinakabatang bilyonaryo sa bansa at CEO ng Apollo Groups of Companies. Ang nakatakdang ikasal kay Beatrice pagtungtong ng dalaga sa ika-25 anyos. At dahil unang pagtatagpo pa lamang, pagkamuhi ang namuo sa dalawa. Sa stubbornness ni Beatrice, hindi ito basta-basta magpapakontrol. Bagay kung saan mababa ang tolerance ni Lucas lalo't sanay na nasusunod ang lalaki. Paano nila pakikisamahan ang isa't isa? Ano ang magiging takbo ng buhay nila sa kanilang arranged dating at marriage life? Posible kayang maramdaman ang tunay na pag-ibig sa pagitan nila kung ang kasal ay may malalim pa lang tinatagong agenda?
Romance
10661 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
RIGHTFUL HEIR OF A BILLIONAIRE

RIGHTFUL HEIR OF A BILLIONAIRE

SHERYL FEE
Tommy Saavedra, bunsong anak ng business tycoon na si Don Felimon Saavedra. Hindi sumunod sa yapak ng amang negosyante at mas hindi sumunod sa inang mambabatas. Bagkus ay sinunod niya ang bulong ng damdamin, ang maging marine engineer. Until he found himself that he's one of the marine engineers of the famous international cruise ship MARGARITA. Sa unang tingin pa lang niya sa kapatid ng Boss niyang halos kaedad nila o mas tamang sabihin na mas bata pa sa kanilang mga tauhan ay nabighani na siya sa angking kagandahan. Idinaan niya ang lahat sa panunukso sa takot na mabasted ng dalaga. Cassandra Keith Mondragon, isa sa mga kambal na anak ng mag-asawang MaCon at Clarence. Sa murang edad ay namulat sa responsibilidad sa kumpanya nila. Siya ang namahala sa Herrera Ticketing Booth dahil ang kambal niya ay sa Herrera Theater, ang Kuya ay sa MARGARITA. Nang dahil sa kani-kanilang kabiguan sa buhay ay magsasangga ang landas nila sa pamosong barko ng mga Mondragon.
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bound to the Billionaire's Vows

Bound to the Billionaire's Vows

Synopsis: Si Allianah ay nag-iisang anak na lumaki nang payapa at malayo sa komplikasyon. Ngunit isang araw, nagulat na lamang siya nang malamang ikakasal siya sa isang bilyonaryong binata, si Ezekiel Salvador. Para kay Allianah, ang kasal na ito ay isang pagkakakulong, dahil wala siyang ibang nararamdaman para sa lalaki kundi galit kahit pa gwapo, mayaman, matalino, at halos perpekto sa paningin ng iba. Ngunit para kay Ezekiel, unang kita pa lang niya kay Allianah sa kanilang mansion ay nahulog na ang puso niya. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang makuha ang dalaga. Habang lumilipas ang panahon ng kanilang pagsasama, natutong magmahal si Allianah at handa na sanang umamin ng damdamin. Ngunit sa oras na iyon, nahuli niya si Ezekiel na kahalikan ang dating kasintahan. Nasaktan, iniwan niya ang asawa at nagpakalayo-layo. Hanggang sa muli silang nagtagpo hindi inaasahan, sa isang restaurant na pag-aari ng ama niya dala ang sugatang puso at nakaraan na hindi pa tuluyang nalulunasan.
Romance
652 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)

My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)

Simula nang mamatay ang ama ni Vanessa, nagkandaletse-letse na ang buhay niya. Pinabayaan siya ng kaniyang malupit na stepmother—inalipusta at itinuring na walang halaga. Sa bawat araw nang pang-aapi, natuto siyang maging matatag… hanggang sa dumating ang lalaking magpapayanig sa tahimik niyang puso. Si Hector—ang bagong asawa ng kaniyang stepmother. Apatnapung taong gulang, guwapo, mayaman, at puno ng karismang hindi niya kayang balewalain. Sa unang titig pa lang, may kung anong kumislot sa dibdib ni Vanessa—isang damdaming alam niyang bawal ngunit hindi niya mapigilan. Ngunit sa likod ng marangyang buhay na hatid ni Hector, nagtatago ang isang pusong sugatan—isang lalaking unti-unting napagod sa malamig na pagtrato ng asawa. At sa pagitan ng mga nakaw na tingin, unti-unting nabubuo ang koneksyong hindi dapat umusbong. Ngayon, nasa pagitan si Vanessa ng tukso at takot. Pipiliin ba niya ang lalaking pinagbabawal ng mundo? O mas gugustuhin na lamang niyang manahimik upang hindi masangkot sa anumang gulo?
Romance
10217 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)

Nililigawan ko si Mr. Hot Billionaire (SPG)

Nang dahil sa isang kasunduan, nagawang sumang-ayon ng dalagang si Marlita sa isang planong inaalok ng kaniyang nakababatang kaibigan. Kapalit ng perang pampagamot sa kaniyang lolang may kidney failure, kailangang paibigin at akitin ni Marlita ang masungit na bilyonaryong si Grayson Ryker. Ang unang hakbang sa kanilang plano ay liligawan niya at aakitin si Grayson. Kapag napa-ibig na niya ito, saka niya ito iiwan—kagaya ng napag-usapang plano. Subalit, ang pagsang-ayon ni Marlita sa planong panliligaw kay Grayson ay may kapalit—isang gabing iaalay niya ang kaniyang sarili upang sumang-ayon si Grayson sa nais niyang panliligaw. Makakaya kaya ni Marlita na tanggapin ang alok na ito para maisakatuparan ang kaniyang balak? O baka sa gagawing hakbang ng dalaga, dadalhin niya ang magiging bunga ng kanilang pagtatalik? Makabubuo kaya ng pag-ibig sa likod ng masamang balak ni Marlita? O baka huli na upang ito ay mapagtanto—dahil ang lalaking nililigawan niya pala ay may asawa na?
Romance
10229 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Rebellious Stepdaughter of Timothy Grey

The Rebellious Stepdaughter of Timothy Grey

Wala nang mas kinaiinisan si Elara Montesilva kundi si Timothy Grey—ang stepfather niyang masyadong bata, masyadong seryoso, at masyadong involved sa lahat ng bagay tungkol sa kanya. Akala niya, noong namatay ang nanay niya ay tapos na rin ang koneksyon niya rito. Pero nang mapunta siya sa isang iskandalong muntik nang sumira sa pangalan niya, si Timothy pa rin ang unang dumating—galit, tahimik, at determinadong ayusin ang lahat. Ngayon, kailangan niyang bumalik sa bahay na matagal na niyang tinakbuhan. At habang araw-araw ay nagbabanggaan ang pride nila, unti-unti niyang nakikita ang ibang side ni Timothy. Ito ‘yung lalaking hindi lang kayang magalit, pero marunong din mag-alaga... at umunawa. Pero paano kung ang galit niya, unti-unti nang napapalitan ng isang bagay na hindi dapat? At paano kung sa likod ng lahat ng lihim ni Timothy Grey, ito rin pala ang tanging taong kayang sirain ang pader na itinayo niya? Rebellion. Tension. Forbidden emotions. Dahil minsan, ang taong gusto mong iwasan ay siya ring hindi mo kayang kalimutan.
Romance
10202 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Maid, My Love (Filipino)

My Maid, My Love (Filipino)

Gustong makatulong ni Shaina sa pamilya niya kaya ay nagdesisyon siya na sumama sa Tita Delia niya sa Maynila para magtrabaho doon bilang isang kasambahay. Akala niya ay magkasama silang dalawa ng Tita Delia niya sa isang mansion ngunit hindi naman pala. Doon siya sa kalapit na mansion na pagmamay-ari ni Jacob Lopez na ulilang lubos na. Isa siyang bilyonaryo. Guwapo siya. Malaki ang pangangatawan. Hot na tingnan at kahit sinong babae ay magkakagusto kaagad ngunit walang gustong maging katulong niya dahil sa ugali nito na hindi kanais-nais. Ang huling naging katulong nito ay bali-balitang nabuntis nito kaya ay bigla na lang na umalis. Unang kita pa lang ni Shaina kay Jacob ay aminado siya sa sarili niya na gusto niya ito. Ano'ng gagawin ni Shaina sa nararamdaman niya para kay Jacob? Saan kaya siya dadalhin ng pagmamahal na 'yon para kay Jacob? Mahalin rin kaya siya ni Jacob o baka magaya lang siya sa mga babaeng naging panandaliang kaligayahan lang nito?
Romance
823.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Affair Of The Heart ( Love Series #1 )

Affair Of The Heart ( Love Series #1 )

MissA_begail16
Beatrise Mendoza, sa batang edad ay nangarap nang maging isang artista hindi lang upang makatulong sa kanyang pamilya kundi para matamasa rin ang karangyaang mayroon ang mga ito. Kaya nang dumating ang isang hindi inaasahang pagkakataon sa katauhan ng kanyang tiyahing taga-Maynila ay agad niya iyong sinunggaban. Pero ang inakala niyang abot-kamay na pangarap ay hindi pala gano'n kadaling abutin. Dahil hindi pala madaling makapasok sa industriyang iyon. At dahil sa natamong kabiguan ay hindi niya naiwasang humanap ng masasandalan at makakapitan, at natagpuan niya iyon sa katauhan ng kanyang pinsan na si John Carl, ang panganay na anak ng kanyang tiyahin. Ngunit hindi niya napaghandaan ang isang malaking dagok sa kanyang buhay. Dahil unang kita pa lang sa lalaki ay nahumaling na siya rito kaya ng maging mas malapit sila at makilala ang tunay nitong ugali ay lalong nahulog ang kanyang loob. Paano pa niya haharapin ang pag-abot sa kanyang pangarap na tila kay ilap kung maging pati ang paghihirap ng kanyang damdamin ay nakakadagdag sa kanyang dalahin?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Agreement Behind Her Marriage [Filipino]

Agreement Behind Her Marriage [Filipino]

“𝘋𝘰 𝘺𝘰𝘶 𝘋𝘳𝘦𝘸 𝘞𝘢𝘭𝘵𝘰𝘯 𝘵𝘢𝘬𝘦 𝘓𝘪𝘭𝘪𝘢𝘯 𝘙𝘰𝘴𝘦 𝘔𝘢𝘳𝘵𝘪𝘯, 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘢𝘸𝘧𝘶𝘭𝘭𝘺 𝘸𝘦𝘥𝘥𝘦𝘥 𝘸𝘪𝘧𝘦, 𝘵𝘰 𝘴𝘩𝘢𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘪𝘧𝘦 𝘰𝘱𝘦𝘯𝘭𝘺, 𝘴𝘵𝘢𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘩𝘦𝘳 𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘤𝘬𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘪𝘯 𝘩𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩, 𝘪𝘯 𝘫𝘰𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘪𝘯 𝘴𝘰𝘳𝘳𝘰𝘸, 𝘪𝘯 𝘩𝘢𝘳𝘥𝘴𝘩𝘪𝘱 𝘢𝘯𝘥 𝘪𝘯 𝘦𝘢𝘴𝘦, 𝘵𝘰 𝘤𝘩𝘦𝘳𝘪𝘴𝘩 𝘢𝘯𝘥 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘷𝘦𝘳𝘮𝘰𝘳𝘦?” Lily knew that she was useless in her family. Wala siyang matinong nagawa sa buong buhay niya kaya madalas siyang pagbuhatan ng kamay ng kanyang ama o kaya ay ng kanyang madrasta. No one treated her well, even the maids in her home. They all believe she’s a nuisance. Dumating ang araw na nagkaroon siya ng silbi sa kanyang ama nang kailangan nitong makipagkasundo sa Pamilya Dalton. Kahit takot na takot sa kanyang magiging asawang si Drew ay wala siyang magawa kung hindi ipagpatuloy ang kanyang obligasyon bilang Martin. Sa unang gabi pa lang ay ipinaramdam na kaagad ni Drew ang disgusto sa kanya. Malayo siya sa mga babaeng nakakasalamuha nito. Sino nga ba ang magnanais sa isang tulad niyang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, payat at hindi masyadong kagandahan? Ngunit determinado siya na ipaglaban ang kasunduan kay Drew kaysa bumalik sa tahanan ng mga Martin na umabuso sa kanya. TRIGGER WARNING: This book contains adult language and subjects, including graphic violence, explicit content, and assault on women that may disturb some readers. I do not intend this book for readers below adulthood.
Romance
1051.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
2223242526
...
38
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status