Mayor Ishmael (SPG)
Nagpatuloy ako.
“Kuya Locerio, dapat hindi loyal ang sinabi mo. Dapat ay faithful ang sinabi mo. Kasi ang loyal medyo lang ‘yon matapat. Kasi kung totoong tapat ka, kahit baliktarin mo pa ang salitang ‘tapat’ ganoon pa rin ang kalalabasan niyan ay 'tapat' pa rin. Sa sinabi mo Kuya Locerio. Tinutukoy mo roon ay faithful. Kasi kahit marami babae na magpapansin sa amo mo, Dodong Ishmael. Sabi mo hindi siya titingin sa ibang babae. Kaya faithful iyon. Pero mali pa rin dahil sabi lang naman niya maging loyal kami sa isa't isa. So p'wede pa siya tumingin sa babae,” with feelings pa ako magpaliwanag, pero silang lahat laglag panga. Maliban sa pamangkin ko na salubong ang kilay. Parang hindi niya pa