Ang Talaarawan ni Corazon
Nagulat ako nang pumasok si Mang Berting sa hukuman para maging saksi, pati na rin ang anak nito na si Julio.
"Ang ngalan ko po ay Roberto Darag. Ako po ay nakatira hindi kalayuan sa bahay ng mga Alfarero. Kaya alam ko rin kung ano ang kanilang mga ginagawa. Isang trabahador si Pepe sa Hacienda Fetalino at ang kaniyang asawa naman ay maybahay lamang. May isa silang anak na babae na parang hindi babae kung umasta, parang binalaki," tingin niya sa akin, "At hindi ko mapaniwalaang sinanay pala nila ang kanilang anak para maging isang espiya sa hukbo."