Ginto't Pilak
Umatras ang mga kawal, samantalang hinawakan ko naman ito at tumayo sa kaniyang tabi.
“Salamat sa iyong pagbati, at maligayang pagdating sa aming kaharian ng Hermosa.” tugon niya. “Mabuti at maayos kayong nakarating, Prinsipe Lucius Alexander Byron Ignasius.”
“Salamat din sa mainit na pagtanggap sa amin,” sagot ng Prinsipe. “Tawagin na lang ninyo akong Lucius.” Noon lang siya napatingin sa akin. “At ikaw ang susunod na Emperador, hindi ba?” nakangiti niyang sinabi, “Prinsipe Theodorin Tanis Adelbert Heilig ng Imperyo.”
Hot Chapters