Hiram na Asawa
Isang malaking ngiti at pagkaway ang binigay nito.
"Mama!" Patakbo itong lumapit kaya't agad niyang sinalubong.
"Huwag kang tumakbo, hihingalin ka, Baby," paalala niya lalo't ina-asthma ito minsan.
Maliit itong ngumuso at yumakap sa leeg niya noong buhatin ito.
"I'm perfectly fine, Mama. Nag-play pa kami kanina nila Barbie. Hindi ako hiningal, Mama," katwiran pa nito.