Maid Ako Ng Amo Ko
Kaya napatungo ako, dahil medyo napepersonal ko yata ang tanong ko sa kanya.
"Puwede namang hindi mo sagutin sir," nahihiya kong sabi.
"No, it's okey. Mahirap din kasi ang tanong mo e. Siguro, kung malalaman kong hindi naman ako gusto nang taong gusto ko, masasaktan ako dahil kung sino pa iyong gusto ko, siya naman ayaw sa akin. Mas pipiliin ko na lang magpakasal sa hindi ko gusto, dahil kung malalaman kong hindi naman ako gusto nang taong gusto ko, e parang nagpakamatay na rin ako." Kamuntikan na akong maiyak sa sagot ni sir, siguro nga tama siya. Tama nga na huwag na akong umasa dahil mas masakit pa ang nararamdaman kong hindi ako gusto ng taong gusto ko.
Sikat na Kabanata