Bound To My Neighbor's Son
Una kaming pumunta sa bahay ng aking matalik na kaibigan na si Selene na nakatira lamang sa city at doon ko iniwan ang aking mga anak bago ako nagtungo sa Valle Sereno kung saan naroroon ang bahay na binili ng aking ama na ilang beses na pinaupahan para mapakinabangan kahit papaano.
“Naevia! Naevia, ikaw na ba iyan?” tawag sa akin ng isang babae nang papasok na ako sa gate. Nilingon ko ito at nabungaran ko si Mrs. Clara Devereux, ang nakatira sa tapat ng aming bahay.
“Tita Clara, kayo po pala. Kamusta na po,” nakangiti kong tanong dito.
“Buti naman at nakilala mo pa ako. Kamusta ka na?” tuwang-tuwa na bati nito sa akin.