The Illegitimate Daughter
Napalunok ako at tiningnan si Arissa na ngayon ay nakangiti na.
“She’s my sister, Arabelle!” nakangiting sambit ni Arissa at hinawakan ang braso ko. “She’s my half-sister.”
Gulat ang nasa mata ng mga kaibigan niya at muli akong binalingan.
“Oh, so your dad cheated?” hindi makapaniwalang tanong ng may kulot na buhok na babae. “Well, she looks exactly like your father, Arissa. They have the same looks…”