กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

Vengeance of the Reborn CEO’s Wife

📖 S Y N O P S I S Vengeance of the Reborn CEO’s Wife Sa paningin ng lahat, si Aurora Steele ay may perpektong buhay — asawa ng makapangyarihang negosyanteng si Xavier Steele, ina ng isang mabait at maganda nilang anak na si Amara, at ginagalang ng lipunan bilang huwarang babae. Ngunit sa likod ng magarang ngiti at marangyang tahanan, nakatago ang malamig na distansya, mga lihim, at mga kasinungalingang unti-unting sumisira sa kanyang mundo. Pagbalik ng kanyang kambal na si Lilith, dala ang isang batang lalaki na may parehong mga mata ni Xavier, nagsimulang mabunyag ang mga lihim na matagal nang inilihim sa kanya. Hanggang sa isang gabi ng trahedya, lason ang pumatay sa kanyang anak — at ang tiwala ni Aurora ay tuluyang gumuho. Pinagkamalan siyang baliw, tinuligsa ng asawang minsan niyang minahal, at iniwan sa dilim ng sariling pagkawasak. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kanyang kuwento. Sa misteryosong pag-ikot ng tadhana, nagising si Aurora — isang taon bago mangyari ang lahat. Ngayon, dala niya ang lahat ng sakit, ang lahat ng alaala, at ang lahat ng dahilan upang magbago. Hindi na siya ang babaeng umiiyak sa dilim. Hindi na siya ang asawang nagmamakaawa ng pansin. Ngayon, siya na ang reina ng sariling laban — tahimik, matalino, at mapanganib. Sa ilalim ng mapanlinlang na ngiti, itatago niya ang kanyang mga plano. Sa bawat salita, itatali niya muli ang mga taong minsang sumira sa kanya. Ngunit sa oras na bumalik ang mga anino ng nakaraan, isang bagay ang malinaw: Ang babaeng minsang tinalikuran, ngayon ay muling isinilang — hindi para magmahal, kundi para gumanti.
Romance
10774 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
One-Night Stand with the CEO

One-Night Stand with the CEO

Matapos ang limang taong pagmamahal kay Liam, nadiskubre ni Ava ang pinakamalupit na pagtataksil—ang pakikipagrelasyon ng kanyang nobyo sa best friend nito. Wasak at pinahiya, pinili niyang magsimula muli. Sa gitna ng sakit, nagpakalunod siya sa alak at nauwi sa isang gabing puno ng init at paglimot kasama ang isang estrangherong ubod ng kisig. Kinaumagahan, iniwan niya ito, naniniwalang isa lamang iyong pagkakamali na dapat kalimutan, gaya ng kanyang nakaraan. Ngunit tila naglaro ang tadhana. Sa unang araw niya sa opisina, handa nang bumangon at magsimula, nagulat siya nang makita kung sino ang bago niyang CEO—si Kaiden, ang lalaking nakasama niya sa gabing iyon. Siya ay makapangyarihan, malamig, at bawal na bawal na mahalin. Ngunit hindi rin malimutan ni Kaiden ang babaeng minsan lang niyang nakasama. Determinado siyang hindi iyon manatiling isang alaala lang, at ngayon ay nais niya ng higit pa. Habang magkasama silang nagtatrabaho, nagiging mapanganib ang laro ng tukso at pagnanasa. Bawat sulyap, bawat lihim na damdamin ay nagbabantang mabunyag ang katotohanang pilit itinatago ni Ava. Sapagkat higit pa sa gabing iyon ang kanyang lihim, nasa sinapupunan na niya ang bunga ng kanilang kapusukan. Nahaharap siya ngayon sa pagpili: patuloy bang tatakasan ang nakaraan, o haharapin ang isang hinaharap na maaaring magpabagsak sa kanya… o kaya’y magliligtas.
Romance
10887 viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
MARRIED to a HEARTLESS COWBOY

MARRIED to a HEARTLESS COWBOY

(First Generation 5) Pilit na ipinakasal ng kanyang mga magulang si Terrence Mikael Saavedra kay Corazon Villaluna kahit pa may iba na siyang mahal kaya naman ipinangako niya sa sarili na gagawin ang lahat para magdusa sa piling niya ang asawa. Bata pa lang si Corazon ay gusto na niya ang binatang si Terrence kaya nang mabigyan siya ng pagkakataong maikasal silang dalawa, hindi na niya ito pinakawalan pa. Subalit sa kanilang pagsasama imbes na magiging masaya siya ay puro pait at hinagpis lamang ang kanyang nararanasan sa piling ng kanyang asawa. Darating kaya ang araw na matututunan siyang mahalin ng asawa o susuko nalang siya? Paano kung muling magbalik ang babaeng mahal ni Terrence sa buhay nila? Handa ba niyang ipaglaban ang kanyang karapatan bilang legal na Mrs.Corazon Saavedra?
Romance
1015.1K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Loving Mr. Chavez

Loving Mr. Chavez

Hindi ordinaryong kwento ng pag-iibigan ang namuo sa pagitan ni Miya at Lucas. Kakatwa kung paanong nagsimula ito sa makasaysayang gabing tila limot na rin naman ng mga tauhan. Si Miya, isang Pilipinang empleyado na nagpakalasing dahil sa pagsasaya at si Lucas na naroon din na katrabaho niya. Hindi matandaan ni Miya ang nangyari at nagising na lang siya na matindi ang sakit ng ulo at walang maalala sa inuman. Naguguluhan pa kung ano nangyari nang gabing iyon dahil tila ba hinila lahat ng hangover ang alaala niya. Habang inaalam ang nangyari, bigla na lang nag-flashback sa utak ni Miya ang pakikipaghalikan niya sa isang lalaki. Ngunit ang lalaking kaharap niya ay iba naman ang sinasabing nangyari nang gabing iyon. Ngayon ay gulong-gulo na siya kung ano ba talaga ang nangyari lalo pa nang puntahan siya ni Lucas para ayain siya sa isang contract marriage. Hanggang sa naglapag ang kompanya ng bagong polisiya: isang milyon sa unang limang ikakasal na empleyado sa kumpanya. Para makuha ito, napilitan si Miya na pumayag sa pagpapakasal kay Lucas sa pamamagitan ng contract marriage nila. Ngunit sa pananatili nila sa isang kontrata, may mamuo ba na pag-ibig o mananatili na lang sa papel ang pagmamahalan nila?
Romance
10841 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
UNFAITHFULLY YOURS

UNFAITHFULLY YOURS

There is some marriage that is not faithful. And there is some love that isn't yours. Pinilit ni Shane na takasan at takbuhan nalang ang mga madidilim na parte ng nakaraan at hayaan na lamang iyon na mabaon sa limot. But, Gregory Lopez isn't the person she can't get rid of easily. At alam niya iyon. He is too dangerous and cruel. He is determined to get her back at manatili sa tabi nito. Ngunit ang takot sa mga kasinungalingan at mga lihim na hindi nito kayang ipagtapat sa kanya ay unti-unting nag iiwan ng malaking pader para protektahan ang sarili dito. But for the sake of their marriage. Is Mrs. Shane Lopez can afford to live with her husband— for a second time?
Romance
1010.2K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
My Torets CEO Boss

My Torets CEO Boss

Betchay
Sabi nila walang perpektong tao sa mundo. Gaya nalang ni Nicko Buenavista. Gwapo siya, mayaman ngunit may malaki siyang problema sa kanyang pagkatao. Siya ay may sakit na kung tawagin ay torets syndrome na— madalas ay napag kakamalan siyang may sira sa ulo kapag inaatake siya. Bawal sa kanya ang ma stress at mapagod dahil mag sisimula nanamang aatake ang kanyang sakit. Ngunit mas susubokin pa ang kanyang katatagan sa pag papatakbo ng kanilang kumpanya. Ang kumpanyang pinag hirapang itayo at palaguin ng kanyang amang yumao. Na sa kalaunan ng mabyuda ang kanyang ina ay muli itong nag asawa at ang napangasawa nito ay ang taong pilit na kukuha ng kumpanyang pinag hirapan ng kanyang ama at tanging kumpanyang minana niya rito. Hanggang sa dumating ang isang babaeng magpapatibok ng kanyang puso. Ililihim niya kaya ang kanyang pagkatao para lang magustuhan siya nito? O ito ang tutulong sa kanya upang tanggapin niya ng buo ang kanyang pagkatao.
Romance
3.6K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
CLIFFORD HAN, The Possessive CEO

CLIFFORD HAN, The Possessive CEO

"I'm so angry right now, seeing you smiling and flirting with other man makes my blood boil. If anyone thinks they can touch you, I'll kill him. You don't get it, do you? You were mine. You always were...." Matapos iligtas ni Katrina ang isang misteryosong lalaki sa isang aksidente na nagpawala sa alaala nito, aksidente din niyang naibigay ang sarili dito. That hot night with him made her fall in love with the man, the very first man who made her heart beat so fast. At kahit pa walang maalala ang lalaki sa nakaraan nito, nagawa pa rin niyang ipagkatiwala ang puso dito, sinuklian naman ng lalaki iyon subalit isang araw ay bigla na lamang itong nawala at kasabay ng pagkawala nito sa buhay niya ay nawala din ang mga ebidensyang nakalap niya sa taong pumatay sa lolo niya. Nag uumpisa nang bumangon si Katrina subalit saka naman muling nagkrus ang landas nila ng lalaki, ano ang mangyayari kapag nalaman niya ang tunay na pagkakakilanlan ng lalaking mahal niya? Magiging hadlang ba ito sa kanyang paghahanap ng katarungan, o magiging daan ito sa tunay na pag ibig?
Romance
107.7K viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Billionaire Who Watched me Die

The Billionaire Who Watched me Die

Sa loob ng limang taon ng kasal, ginawa ni Theariza Huston ang lahat upang maging karapat-dapat na asawa ng makapangyarihang si Alexander Huston. Ngunit sa kabila ng kanyang pagmamahal at sakripisyo, nanatiling walang laman ang kanyang sinapupunan—at kasabay nito, unti-unting nawala ang pagmamahal ng lalaking minsang nangakong siya lamang ang mamahalin. Sa ilalim ng malamig na utos ng pamilya Huston, napilitan siyang tanggapin ang isang surrogate mother—ang perpektong si Althea Montoya. Maganda. Elegante. At may kakayahang dalhin ang tagapagmana na hindi niya kayang ibigay. Ngunit ang surrogate na iyon ang naging simula ng kanyang bangungot. Sa kanyang unang buhay, ninakaw sa kanya ang lahat—ang kanyang dignidad, ang kanyang asawa, at ang kanyang karapatan bilang legal na asawa—bago siya tuluyang pinatay ng mismong mga taong pinili niyang mahalin at pagkatiwalaan. Ngunit nagising siya muli sa nakaraan. Sa kanyang ikalawang buhay, sinubukan niyang baguhin ang kanyang kapalaran. Naging maingat siya. Lumayo. Nagmatyag. Ngunit sa kabila ng lahat… pinatay pa rin siya. Ngayon, sa kanyang ikatlong buhay, bumalik siya na may dalang galit, alaala, at katotohanan. Hindi na siya ang mahina at umiiyak na asawa. Hindi na siya magmamakaawa para sa pagmamahal. Sa pagkakataong ito, gaganti siya. Sisiguraduhin niyang mararanasan ng mga taong pumatay sa kanya ang sakit na minsang sumira sa kanyang kaluluwa. Ngunit sa harap ng mga lihim na hindi pa niya lubos na nauunawaan, at mga pusong maaaring magbago… Masasayang pa kaya ang pangatlong pagkakataon na ibinigay sa kanya— o tuluyan na niyang makakamit ang paghihiganti na matagal niyang inaasam?
Romance
10201 viewsยังไม่จบ
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
The Mafia Boss's Naive Wife (Cosa El Gamma # 1)

The Mafia Boss's Naive Wife (Cosa El Gamma # 1)

️ Warning: This story contains violence/graphic sexual scenes. Please read at your own risk! She was abducted after her wedding, and the abductor was unaware that she was a wife of the sadist mafia boss. They claimed the merciless punishment! Sa edad na biyente ay ikinasal si Kira sa lalaking kumupkop sa kaniya noong dose anyos siya. Isang bilyonaryong ni minsan ay hindi niya nasilayan ang mukha dahil may suot na maskara. Nagkaroon siya ng malalang trauma matapos masaksihan ang karumal-dumal na pagpatay sa kaniyang mga magulang. Isang proseso ang ginawa sa kaniya upang mabura ang kaniyang alaala, ngunit tila isinilang siyang muli, inosente, limitado lamang ang kaalaman. Akala niya’y matanda na ang kaniyang asawa na si Don Dimitri, ngunit nawindang siya nang masilayan ang mukha nito. Hindi naman ito matanda, kundi isang imahe ng perpektong lalake. Subali’t sa kabila niyon ay napupuno ng misteryo ang pagkatao nito. Matutunan ba niyang mahalin ang isang katulad nito? O isa rin itong banta sa kaniyang buhay?
Romance
1033.5K viewsจบแล้ว
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
TWISTED

TWISTED

WARNING: IMPLICIT AND MATURED CONTENT. THIS STORY CONTAINS VIOLENCE/KIDNAPPING/FORCED/RAPED. YOU HAVE BEEN WARNED! Dahil sa utos ng ina ay napilitan siyang pumunta sa probinsya kung saan ito lumaki para makilala ang anak ng kababata nito. Sa edad na bente otso ay single parin ang dalaga na si Regina Santos. Hindi pa siya nagkakanobyo dahil mas gusto niya ang magkulong nalang sa loob ng kwarto at manood ng mga korean nobela kaysa ang makipag-date o makipaglandian sa mga lalaki. Kaya naman ang ina niya ay nababahala na baka hindi na siya makapag-asawa, kaya inutusan siya nito na pumunta sa probinsya kung saan ito lumaki para ireto sa anak ng kababata nito. Dahil sa hindi niya magawang suwayin ang ina ay sumunod siya sa utos nito. Dito na nga nagsimula ang lahat. Nakilala niya ang tatlong mayaman na binata na gugulo sa buhay niya. Matagpuan niya kaya ang tunay na pag ibig sa mga ito? O ito ang magiging dahilan ng pagkawasak niya?
Romance
9.521.7K viewsจบแล้ว
อ่านรีวิว (17)
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด
Dianne Kharengiel Manuel Segobre
ano kaya twist dito.., kinakain nko ng curiousity.., huhuhu..., San nagsimula ang conflict nilang mgkakaibigan, ok naman cla Pero my Isang bagay clang pinag aawayan.haysss.. grabe c Piero, apaka misteryoso naman.
Kat A
Grabeee ang galing mu tlga Ms. A! RATED SPG tlga to. Sa una natatawa p ako eh, tpos kinilig, then nkuha na yung inis at galit ko pro worth it ng natapos ko. Sakit sa heart neto. Basahin nyo kng d kyo maselan
อ่านรีวิวทั้งหมด
ก่อนหน้า
1
...
2021222324
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status