Painful love
Tila napagtanto din niya na tama pala ang sinasabi ng ama niya kagabi na malaki ang kaniyang pinayat at parang lantang gulay na walang kabuhay-buhay.
Ganito pala talaga ang pakiramdam kapag broken hearted. Tama nga sila, kahit anong pilit mong maging matatag sa harap ng ibang tao pero kapag magulang o kapamilya mo na ang kaharap mo, hindi mo namamalayang lumuluha ka na pala. Ang sabi nito sa kaniyang isipan habang nakaharap pa rin siya sa salamin at hinahawakan ang sariling mukha.
Kailangan mo maging matapang, Mara. Tama si Mama, pagsubok lang iyan at malalagpasan mo rin iyan kaagad.
ตอนยอดนิยม