Hinahanap Ng Puso
"Hindi ako nambobola. Napakaganda mo talaga. Alam mo bang nangangarap ako na maging asawa ka? Lagi ko iyong ipinagdadasal. Na sana tayo sa huli. Na sana, ikaw ang babaeng makasama ko sa habambuhay. Iyon ang palagi kong dinarasal bago matulog."
Napaawang ang labi ni Quincy bago ilang ulit na napakurap. "T-Tumigil ka nga, Hiro. H-Hindi ako natutuwa sa mga s-sinasabi mo."
Sumeryoso ang mukha ni Hiro. "Hindi ako nakikipagbiruan, Quincy. Ikaw ang babaeng pinangarap ko. At pinapangarap ko pa rin hanggang ngayon. Sana... ako na lang ang mahalin mo. Sana, ako na lang ang nilalaman ng puso mo," malungkot ang tinig ni Hiro nang sabihin iyon kaya naman nanlaki ang mata ni Quincy.