Chased by the Billionaires
Umiling siya, “Isa pa ‘yan. Wala kang confidence sa sarili mo. If you want him to notice you, to respect you the way you want him to, and for him to… love you. You must do it yourself first. Kailangan mo munang mahalin at irespeto ang sarili mo bago mo asahan iyon sa ibang tao.”
Muli siyang naglagay ng hipon sa plato ko.
“Eat.”
“Pano ko naman gagawin iyon? Eh ganito lang ako eh.”
“Shut up. Stop pitying yourself. And stop taking other people’s sh*ts.”
Sinabi niya iyon sa akin ng diretsong nakatingin sa mga mata ko.
“Ginawan kita ng hindi maganda kanina. Nasaktan kita. Hindi ka man lang ba magagalit sa akin?”