Falling for the Replacement Mistress
Naninigurado din lamang siya dahil baka ilaglag siya ng babae na ito o hindi naman ay isahan.
"Hay naku, intrimitida ka talaga na babae ka." Walang ka-preno preno na sagot pa ni Reina sa kan’ya. Mapanganib ang mga nilalaro nila, pero walang sino man ang nais na magpatalo ngayon. "Kung ayaw mo na maniwala, bahala ka riyan. Ang laki ng effort ko rito, habang ikaw na patulog-tulog lang napaka-demanding, akala mo naman sa kan’ya ang pera na ilalabas niya rito. Wala pang tawag si Arden dahil hindi pa niya alam na nawawala ang mga bata. Isip-isip din kapag may time, girl, dahil kapag nalaman na ng dating kalaguyo mo iyon, ikaw ang una niya na suspect."
Bab Populer