Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
The Whispering Love of a Lily

The Whispering Love of a Lily

Ani pa ng mga taong nakapalibot kay Sereia Lilou Rebeiro, siya na ang pinaka - maamong babae na umaaligid kay Adriel Latimer. Animo’y para siya isang aso na panay sunod ng sunod sa kanyang amo kung saan ito magpunta. Bakit nga ba? Isang araw, nang mag - check - in sa isang mamahaling motel si Adreil ay sinundan niya ito. Hindi siya nag - aalinlangan na kumatok sa pinto na inupahan nito. Mas gusto pa niyang sundin ang kanyang kagustuhan, at ang rason kung bakit siya sumunod? Para lang bigyan ito ng payong dahil sa masamang panahon. Nakatikim siya ng bulyaw dahil lang doon. Sinabihan pa siya ng walang hiya pero wala siyang pakialam. Mas importante sa kanya ang makitang nasa magandang kalagayan ang iniingatan niyang babaero ng campus. Sa kabila ng masama nitong reputasyon sa mga babae, naging bingi at bulag siya. Mas gustuhin pa niya na makasama ito kaysa makinig sa mga haka - haka ng mga tao. Pinadaan lang niya sa kabilang tainga ang naririnig niyang tsismisan, kahit na minsan ay parang may isang palaso na nakatarak sa kanyang puso. Hanggang sa isang gabi, isang katotohanan ang siyang kumakatok sa isipan ni Sereia. Nahinuha na lang niya na ang lalaking inaantay niya ng tatlong taon ay nagbago. Hindi na ito katulad ng dati, na parati siyang inaalo - alo at sinasamahan. Dala ng reyalisasyon, tinalikuran niya ito ng walang pasabi. Imbes na tatahimik na ang buhay niya ay kinukutya pa siya ng mga tao. Ani pa nila'y nagpapakipot lang daw siya. Isa na roon si Adriel. Tingin niya ay gusto lang ni Sereia na suyuin niya ito para bumalik siya sa kandungan nito. Pero napawi ang agam - agam ni Adriel noong isang araw, aksidenteng nahulog ang pitaka ni Sereia. Bumungad sa kanya ang isang litrato ng lalaking minsan na niyang iniiwasan.
Romance
101.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Bound to the CEO’s Revenge

Bound to the CEO’s Revenge

Dahil sa pagpapakalat niya ng exposed photo ng dalawang lalaking naghahalikan, nauwi ito sa kasalan. Si Isobel Ituraldez, pasaway na anak at tagapagmana ng Raldez Corporation, ay kilala sa pagiging rebelde at sanhi ng stress ng kanyang ama. Samantalang si Alejandro Talleno, CEO ng Cagel Talleno Logistics, ay hinahangaan ng maraming babae. Ngunit dahil sa iskandalong kumalat, naapektuhan ang kanyang reputasyon. Isang gabi, aksidenteng nagkita sila sa hotel. Pareho silang lasing at nagkatapat. Kinausap siya nito tungkol sa iskandalo, ipinaliwanag na biro lamang iyon kasama ang kaibigan niyang lalaki. Imbes humingi ng tawad, iginiit ni Isobel na bakla siya dahil sa malambot nitong kilos. Dala ng kalasingan, hinamon niya itong halikan at buntisin siya kung tunay na lalaki ito. Sa kaguluhan, natumba sila at nagpatong ang katawan. Hindi napigilan ni Alejandro ang sarili, hinawakan nito ang bewang para pigilan tumayo. Sisigaw sana ito ng bakla nang hinalikan niya ito at nauwi sa pagtatalik. Nagising si Isobel, nagmamadaling umalis. Ngunit naalala ng binata ang lahat at nagkaroon ng interes na hanapin siya. Paulit-ulit niya itong pinuntahan sa kompanya, ngunit iniiwasan siya nito. Kaya tinarget niya ang ama nito, nag-alok ng suporta sa naluluging negosyo kapalit ng kasal nila. Mabilis na napapayag si Mr. Ituraldez dahil din sa atraso ng anak. Matapos ang kasal, nawalan ng kapangyarihan si Isobel. Sa gabi, ginagapang siya ni Alejandro at unti-unti ring bumigay sa romansa nito. Ngunit natuklasan niya na planado lahat, mula sa iskandalo. Ang kaibigan niya ay ispiya pala ni Alejandro upang makakuha ng personal na impormasyon sa pamilya nila. Ito ay bahagi ng paghihiganti dahil may kinalaman ang ama niya sa pagkamatay ng mga magulang ni Alejandro. Si Isobel ang naging target niya para sirain, pero sa huli nahulog siya rito. Pipiliin ba niya ang plano ng paghihiganti o ang tunay na damdamin?
Romance
30 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1234
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status