THE BILLIONAIRE'S OFW WIFE
Si Liam, parang batang hindi mapakali, nakasungaw na sa kawali habang inaamoy ang sumisingaw na bango ng ulam.
"Ano ka ba, Liam. Para kang hindi pinakain sa probinsya," natatawang sabi ni Amara habang inaabot ang pitsel ng malamig na tubig.
"Aba, iba kasi ‘tong luto ni Lola eh! May halong pagmamahal at mantikang maraming bawang," sabay ngisi ni Liam habang kinindatan si Lola.
"Pasalamat ka at mabait ako ngayon," sagot ni Lola Selya, sabay saboy ng kaunting adobo sauce kay Liam. "Sige, tikman mo na nga habang mainit pa."
Hot Chapters