TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!
“Wala kang natatanggap kasi hinaharang ko lahat. Sinusunog ko, tinatapon ko. Ayoko ng may ibang lalaking humahanga sayo, ganoon ako ka-damot sayo noon, hindi mo lang napapansin.”
“Alam ko na iyon Noah, kahit hindi mo na sabihin sa akin! kaya nga grabe ang galit ko sayo noon, hindi mo man lang ako hinayaang magka boyfriend ng iba… tapos tatanungin mo ako kung bakit hindi naging kami ni Charles? sigurado akong isa siya sa mga nagsulat sa akin ng love letter noon! tinapon mo lang!”
“Alam mo na pala…” napangiti si Noah at nagpatuloy pa sa pagsasalita.