Isabella Flores
" Itong rosas o 'yong lila? "
" Maganda naman pareho, Señor. Maliwanag ang kulay ng rosas at malinis tignan. Ganoon rin ang lila, maaliwalas at...parang ube, " komento ni Leonardo na napakamot na lamang sa ulo dahil sa sinabi niya. Nilingon niya 'yong tauhang nakasunod sa kanila upang senyasan ito na magbigay ng suhestiyon nang ilagay na lamang ni Maximo ang dalawang sapin na pinagpipilian sa isa sa mga kariton na nakasunod sa kanila.
인기 회차