Filtern nach
Aktualisierungsstatus
AlleLaufendAbgeschlossen
Sortieren nach
AlleBeliebtEmpfehlungBewertungenAktualisiert
Taming the Devil Boss

Taming the Devil Boss

Kaya mo bang tiisin ang araw-araw na kasama ang lalaking pinaka-kinaiinisan mo? Yung tipong pagpasok mo pa lang sa opisina, madilim na mukha niya agad ang bubungad sa’yo? Yannie Sanchez, isang dedicated na secretary, ay labis na naiinis sa boss niyang si Xanthy Torres—ang seryoso, istrikto, at laging galit na CEO ng isang malaking kumpanya sa Asia. Para sa kanya, ito ang epitome ng "toxic boss" na palaging sumisira sa araw niya. Pero paano kung may dahilan pala sa likod ng kanyang ugali? Isang lihim ang matutuklasan ni Yannie—isang sikreto na magpapabago sa tingin niya kay Xanthy. Mula sa inis, unti-unti siyang nakaramdam ng awa at kagustuhang protektahan ito. Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, kinailangan niyang lumayo—hindi alam ni Xanthy na nagdadala siya ng kanilang anak. Pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. Sa pagkakataong ito, pipiliin pa rin ba niyang protektahan ito? O oras na para harapin ang nakaraan at isama siya sa hinaharap na para sa kanilang dalawa?
Romance
10520 AufrufeLaufend
Lesen
Zur Bibliothek hinzufügen
HER GAME

HER GAME

realisla
THE GAME SERIES Book 1 out of 5 "So better be wise enough in playing because this is much more exciting than her game." Si Akemi Sean Lee, isang babaeng nagmahal, nasaktan at maghihiganti. Matapos ang trahedyang itinuring bangungot sa tanang buhay niya, binago niya ang sarili sa dating siya. Nagsikap, nagtapos, at nagpakadalubhasa siya sa New York sa engineering. Makalipas ang limang taon, bumalik siya ng Pilipinas. Wiser. Bolder. Braver. Bumalik siya para sa tatlong taong nagsukdol sa kanya sa kahirapan. Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Puso sa puso. Nagbalik siya para sa kanyang laro—ang laro ng paghihiganti. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa kanyang laro, may malaking bagay pa siyang matutuklasan. Isang bagay na dudurog muli sa kanyang puso at pagkatao. Paano niya kaya haharapin at malalagpasan ang larong inakala niyang kanya?
Romance
102.5K AufrufeAbgeschlossen
Lesen
Zur Bibliothek hinzufügen
[Tagalog] My Unfamiliar Husband

[Tagalog] My Unfamiliar Husband

Nagising si Dana Montecarlo matapos ang limang taon na pagkakaratay sa ospital. She was under comatose, matapos niyang makaligtas mula sa isang malalang car accident. Sa kanyang paggising ay agad niyang nakita ng asawang si Garrett. Masaya si Dana na malaman na nakaligtas ang kanyang asawa mula sa aksidente, and he looks alive and well... Pero sa paglipas ng mga araw, napapansin niya ang malaking pagbabago sa kanyang asawa. Ang mga halik nito ay hindi na katulad ng dati, and he is acting aloof and distant towards her, as if she is a total stranger. Ano kaya ang nangyari sa kanyang asawa pagkatapos ng aksidente na kinasangkutan nila?
Romance
5.4K AufrufeAbgeschlossen
Lesen
Zur Bibliothek hinzufügen
Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother

Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother

Limang taon na kasal si Yeon Na kay Henry, pero sa isang iglap, naghiwalay rin sila dahil sa isang masakit na paratang na baog daw siya. At para gawing mas masahol pa ang lahat, isang linggo matapos ang diborsyo nila, nakatanggap pa siya ng imbitasyon sa baby shower ng sarili niyang nakababatang kapatid—na buntis sa dating niyang asawa. Bigo man at sugatan ang puso, gumawa siya ng isang matapang na desisyon. Lumapit siya sa nag-iisang lalaking alam niyang makakatulong para muling mabawi ang dignidad niya—si Sire Vemeer, ang kanyang boss. Isang kilalang playboy, isang bilyonaryong CEO, at... half-brother ng ex-husband niya. Hindi para umibig. Hindi para magka-relasyon. Isa lang ang gusto niyang mangyari... ang mabuntis. Kung nakaya siyang pagtaksilan ng kanyang kapatid at ni Henry, kaya niya ring gumawa ng paraan para gumanti sa mga ito. Gagamitin niya rin ang kapatid ni Henry para maipamukha rito na hindi siya baog. Na kaya niyang magdalang-tao. Pero paano kung ang panandaliang plano ay mauwi sa permanenteng koneksyon? At paano kung, sa gitna ng paghihiganti, matutunan niyang magmahal muli, sa isang lalaking ni minsan ay hindi niya pinangarap?
Romance
1020.0K AufrufeLaufend
Show Reviews (25)
Lesen
Zur Bibliothek hinzufügen
Anne Lars
𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘂 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝗻𝗶𝗻𝘆𝗼 𝗸𝗶𝗻𝗮 𝗦𝗶𝗿𝗲 𝗮𝘁 𝗬𝗲𝗼𝗻 𝗡𝗮! 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗹𝗹𝘆, 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗵𝗮𝘀 𝗰𝗼𝗺𝗲 𝘁𝗼 𝗮𝗻 𝗲𝗻𝗱. 𝗦𝗮𝗻𝗮 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗼. 𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁!
Reni Torejas
aabangan ko tong libro mo hanggang sa matapos. sana matapos mo rin mga ongoing books mo. I love your writing style at saka hnd boring bwat episode. iba rin ang flavor ng bawat story mo. Kaya keep writing po. you deserve a hype sana sumikat pa mga gawa mo po
Read All Reviews
THE WIDOWER'S FIRST LOVE

THE WIDOWER'S FIRST LOVE

Bb.Taklesa
Sa edad na 35 ay nabiyudo na si Ambrose at naiwan sa kanyang pangangalaga ang limang taong gulang na lalaki at bagong silang na kambal na babae. Mag-isa niyang pinasan ang responsibilidad na palakihin sila. Pagkalipas ng limang taon, lalo niyang nakita ang pangangailangan ng kalinga at pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Sinubukan niyang lihim na makipag-date ngunit walang tumanggap sa kanyang tatlong anak. Hindi nila kayang panindigan ang pagiging instant mommy para sa kanila. Hinanap ng kanyang mga anak sa kung kani-kaninong babae ang pagkukulang na iyon. Hanggang sa malaman niyang nakikipagkita sa isang may edad na babae si Ambrox na halos kamukha ng kanyang ina. Muli niyang nakita si Rose Anne. Nagbalik ang sakit ng nakaraan dulot ng panlilinlang na ginawa ni Roxanne. Hanggang isang gabi, hila-hila ng kambal ang babae papasok ng kanilang gate. "Daddy, I got you a wife. Meet our Mommy!” Kinindatan pa ng mga bata ang kanilang ama. At nagbago ang lahat sa pagdating ni Rose Anne sa kanilang buhay. Magkaroon kaya ng puwang ang pagpapatawad sa pagitan ni Rose Anne at Ambrose? Maging maligaya kaya sila sa pagkakataon ito upang ituloy ang kanilang naudlot na pagmamahalan o maghihiwalay na silang tuluyan sa piling ng kani-kanilang bagong minamahal?
Romance
101.2K AufrufeLaufend
Lesen
Zur Bibliothek hinzufügen
My Billionaire Ex-Fiance

My Billionaire Ex-Fiance

Limang taon na nakulong si Brianna at inakusahan na manloloko ng pamilya Smith at ng fiance nito na si David. Pagkalabas ng kulungan ay pinilit itong mag-donate ng kidney para sa anak ng mga Smith na nauwi sa isang trahedya. Buong akala niya ay tuluyan nang nawalan ng pakielam si David sa kanya ngunit sa burol ni Brianna ay labis ang naging pag-iyak at pagwawala ng lalaki na taliwas sa inaasahan ng lahat na magsasaya siya. At pagkatapos ng tatlong taon, nagulat ang lahat nang makita nila si Brianna, ngayon ay fiance na ng kapatid ni David, buhay at ibang-iba na sa Brianna na nakilala ng lahat. David and the Smiths are all mad... ngunit nagulat ang lahat nang halos magmakaawa si David para lang balikan siya ng dalaga. Ngunit paano gagawin iyon ni Brianna kung halos lahat ng trauma na dinanas niya ay nagmula nang makilala niya ang lalaki?
Romance
9.247.4K AufrufeLaufend
Lesen
Zur Bibliothek hinzufügen
NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

NANG MAGPAKASAL AKO SA BOMBERONG BILYONARYO

Twenty-three years old si Tori nang makilala niya si Taj na isang bombero sa isang maliit na bayan sa Guimaras. Nasa kasagsagan siya noon ng tagumpay bilang isang popstar ngunit na-in love siya sa lalaki at ang dating organisado niyang buhay ay nagulo. It was a whirlwind romance ngunit dahil sa pangingialam ng kanyang ina ay napilitan siyang magpakasal nang lihim kay Taj. Kung gaano sila kabilis na nagkalapit ng lalaki ay ganoon din sila kadaling nagkalayo nang pumutok ang balitang nabuntis si Tori ng CEO ng Crystal Music na si Sid Rodriguez kasunod ng pagkakatuklas niya sa tunay na pagkatao ni Taj. Limang taon na ang dumaan at pareho na silang may magkaibang landas na tinatahak. Ayaw na ni Tori na magkaroon pang muli ng kaugnayan kay Taj ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil muling nagsanga ang landas nila sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Muli kaya silang magkakalapit o tuluyan na nilang tutuldukan ang ugnayang siyang naging dahilan ng kirot sa puso na pareho pa rin nilang nararamdaman?
Romance
1021.9K AufrufeAbgeschlossen
Lesen
Zur Bibliothek hinzufügen
My Possessive Stepbrother (Euphoria Series)

My Possessive Stepbrother (Euphoria Series)

Nagbago ang buhay ni Arisielle Dominguez, nang ampunin siya ng pamilyang Del Quinco–Huangcho—isang mayamang angkang may limang anak na lalaki at isang babae na kaedad niya. Akala niya natagpuan niya na ang tunay na tahanan. Mula sa unang araw pa lang, alam na niyang iba ang titig sa kanya ni Knife Blade Del Quinco-Huangcho—ang tahimik, matalim, at misteryosong middle child na parang laging may tinatago. Lumipas ang mga taon. Si Knife, isa nang kilalang detective—brilliant, cold, at halos hindi na mahawakan ng mundo. Si Arisielle naman, isang designer na tahimik ang pamumuhay, pero hindi pa rin nakakaalpas sa mga titig at salita ng lalaking matagal na niyang iniiwasan. Hanggang isang araw, biglang gumuho ang lahat. Namatay si Katana, ang kapatid nilang babae, at ang mga bakas ng katotohanan ay nagtuturo sa isang lugar na tinatawag na Euphoria—isang lihim na mundo ng kasiyahan, karangyaan, at kasalanan. At doon sila muling nagtagpo. Sa lugar kung saan hindi mo alam kung sino ang inosente at sino ang nagtatago ng halimaw sa ilalim ng ngiti. Doon muling sumiklab ang tensyon—hindi na lang dahil sa nakaraan, kundi dahil sa pagnanasang hindi na nila kayang itago. Sa gitna ng mga lihim, tukso, at kasinungalingan—isang tanong lang ang kailangang sagutin: Hanggang saan mo ipaglalaban ang pag-ibig kung ang tanging bawal ay siya ring tanging gusto mo? "You're mine, Arisielle. My little sis." "I am always yours Kuya KB."
Romance
278 AufrufeLaufend
Lesen
Zur Bibliothek hinzufügen
The Trillionaire’s Hidden Possesion

The Trillionaire’s Hidden Possesion

CatNextDoor
Kapalit nang operasyon ng anak, kinailangan ni Mortala na magpanggap bilang kaniyang kakambal na si Mortishia na noon ay naglayas sa kanila. Ipapakasal kasi si Mortishia sa mayamang businessman para maisalba ang kumpanya ng mga Gustavo. Sapagkat magkamukha naman sila kailangan lang niyang maging proxy hanggang sa mahanap si Mortishia. Ngunit hindi inaasahan ni Mortala nang kaniyang makaharap ang pakakasalan ng kaniyang kakambal. Si Cadrus Logan Adejer, isang trillionaire ang taong matagal na niyang pinagtataguan . . . ang ama ng kaniyang anak na babae. Anong gagawin niya kung malaman ni Cadrus na hindi siya si Mortishia? Makatatakas pa kaya siya o mapupurnada na ang ginagawa nilang pagtatago ng limang taon?
Romance
1.5K AufrufeLaufend
Lesen
Zur Bibliothek hinzufügen
Here Comes the CEO’s Wife

Here Comes the CEO’s Wife

Ang huling tanda ni Alina, kulang na lang ay maglagay siya ng sign na “fresh grad for hire” sa kanyang noo dahil sa hirap makahanap ng trabaho. Kaya laking gulat niya nang magising siya sa langit—este sa ospital pa lang naman. Sumalubong ang mukha ng isang batang lalaki na ‘mommy’ ang itinawag sa kanya! Aangal pa ba siya kung sunod na pumasok sa eksena ang super hot nitong daddy? At parang hindi pa sapat ang pagkawindang, pagtingin sa kalendaryo’y mistulang bumaliktad ang mundo niya. Paano’y limang taon na ang lumipas mula sa huling tanda niya! Parang may nag-fast forward sa kanyang buhay at ngayon, wala siyang choice kung hindi humabol!
Romance
105.5K AufrufeLaufend
Lesen
Zur Bibliothek hinzufügen
ZURÜCK
1
...
7891011
...
50
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status