The Forbidden Love
Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila pero ito ang naging dahilan para mapatigil ako at mapahawak sa ulo ko.
Isa-isang bumalik sa ala-ala ko lahat pati ang lalaking nagsabi sakin ng isa isang ma-mamatay ang mga tao sa lugar na ito kung hindi ako sasama sa kanya. Napasandal ako sa may malapit na pader para suportahan ang sarili ko dahil lalong tumindi ang sakit sa ulo ko. Yung libro sa public library, Vampires, Ang pag-hiwa ko sa kamay ko, dugo, at ang lalaking dahilan kung bakit hindi ko natapos basahin ang librong iyon.
Buong akala ko ay isa lamang itong panaginip ngunit nagkamali ako. Nandilim at lumabo ang paningin ko at unti-unting nawalan ng malay, naramdaman ko nalang na
ตอนยอดนิยม