My Young Daddy (Tagalog)
Lumapit sa kaniya ang lalaki, tinuyo nito ang kaniyang mga mata gamit ang hinlalaking daliri, pagkatapos ay masuyo nitong hinaplos ang kaniyang pisngi.
“Wala kayong kasalanan sa akin, okay? A-alam mo bang kaytagal kong hinintay na muli kang makita at mahawakan nang ganito? I-I’m sorry, Sweetheart . . . I failed you . . . I never loved you half as much as you deserved. Your father did nothing to mine, and I was such a fool, such a blind, wretched fool to believe he was the one who took my father's life!”
Mahigpit siyang niyakap nito; humagulhol sa kaniyang balikat. Siya naman ay natulala.