The Unrequited Love
Naramdaman ko ang kamay ni tatay sa likod ko at tinapik-tapik niya ito ng mahina.
"He has a girlfriend but I can't stop loving him. 'Yong pakiramdam na ayaw siyang pakawalan ng puso ko kasi siya lang ang gusto nito. Mahirap pigilan Tay."
"Hija, mahirap ang pagmamahal pero mas mahirap ang magmahal ng taong hindi ka naman kayang mahalin. Alam kong masakit pero ang maipapayo ko lang sa'yo ay itigil mo na, hindi ko man alam ang buong pangyayari pero pakiramdam ko ay nasasaktan ka ng sobra. Kapag ang isang tao lang ang nagmamahal, walang patutunguhan 'yan. Itigil mo na, makakahanap ka rin ng taong mas mahahalin ka ng sobra." Sabi nito na mas lalong nagpaluha sa akin.
Hot Chapters