Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart

Sorella Series: Celestine's Sorrowful Heart

Carmela Beaufort
Isang dakilang nakatatandang kapatid kung ilarawan Celes ng maraming nakakakilala sa kanya bukod sa maraming sakripisyong ginawa niya upang mabigyan lamang ng magandang buhay at mapag-aral ang mga kapatid na halos makalimutan na niya ang sarili, lahat 'yon ay ginusto niya dahil sa pagmamahal niya sa mga ito. Ngunit isang pangyayari ang gumimbal sa kanya nang may isang pangyayari ang naghatid ng matinding takot sa kanya na maaaring nasa kapahamakan ang mga ito. Dahil doon ay nagmamadaling bumalik siya upang tiyakin ang kaligtasan ng mga ito nang mapag-alaman niyang ilang araw ng nawawala ang mga ito. Agad naman niyang hinanap ang mga ito hanggang sa napadpad siya sa isang malaking mansyon sa kanilang kabayanan. Sabi ng may-ari niyon ay hawak nito ang kanyang mga kapatid at hindi umano ibabalik kapag 'di niya sinunod ang gusto nito—na magpanggap siyang isa sa kanyang mga kapatid. Hanggang saan aabot ang pagsasakripisyo niya mabawi lamang ang mga kapatid, gayong kaakibat niyon ay lolokohin niya ang lalaking naiwan din noon sa Maynila?
Romance
103.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Love Over Hate – FILIPINO

Love Over Hate – FILIPINO

R-18: Walang ibang hinangad si Tanya kung hindi makapagtapos ng pag-aaral ang kaniyang nakababatang kapatid na si Miko. Pero nang magkasakit ito at mangailangan siya ng malaking pera pambayad sa operation sa ospital. Wala siyang ibang magawa kung hindi mangutang ng malaking halaga sa isang kilalang matandang senyora sa kanilang bayan. Ngunit hindi siya nakapagbayad sa takdang araw sa matinding takot sa bantang ipakukulong siya nito. Nagmakaawa siyang gagawin ang lahat huwag lamang iyon mangyari. Ang buong akala niya ay dinala siya nito sa isang bahay-aliwan upang ibenta ang kaniyang katawan. Pero laking gulat niya na ang kaniya lang gagawin ay magpanggap bilang babae ni Isidore Lanchester, ang nag-iisang tagapagmana Lanchester Empire, na nabuntis nito.Pero hindi lamang doon matatapos ang lahat, may lihim palang itinatago ang binata na oras na malaman niya ay ikasisira ng relasyon nilang dalawa.
Romance
9.355.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Triplets For I Love You

Triplets For I Love You

Set_Cieri_Set
Sa huling pagkakataon, ginawa ni Sabrina Anderson ang kaniyang makakaya upang maibalik man lang ang pagmamahal nito sa kaniyang asawa na si Luan Ayden Beaufort gamit ang sariling katawan. Pitong taon niya nang minamahal ang lalaki ngunit sa iba ito nakatingin. At sa gabing iyon, bitbit ang isang pirmadong diborsyo, iniwan ni Sabrina ang pinakamamahal niyang si Luan sa kama ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na ang gabing iyon ay magbubunga nang tatlong bulinggit. Sa kanilang muling pagtatagpo matapos ang anim na taon, may magbabalik din ba sa pagitan nang dalawa? Matututunan kaya ni Luan na mahalin ang ina nang kaniyang tatlong mga anak na walang iba kung hindi si Sabrina?
Romance
763 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Woman of Heisen

The Woman of Heisen

Carmela Beaufort
Tatlong taon na ang nakararaan, may nangyari sa pagitan nina Tahira at ang kilalang most wanted na illegal firearm dealer na si Heisen Lindbergh. That night was obviously a mistake on her part, ang planong sanang pagkalap niya ng impormasyon tungkol sa lalaki ay nauwi sa isang one night stand. Ang masaklap, hindi niya alam na nagbunga ang gabing 'yon, saka na lamang niyang nalaman na buntis siya nang lumabas 'yon sa monthly check-up niya sa army. Bukod pa roon, mukhang nasa panganib din ang buhay niya dahil umabot sa kanya ang balitang pinaghahanap siya ng mga 'di kilalang tao. Sa huli ay nagpasya siyang magtago-tago sa takot din na madamay ang kanyang anak. Subalit hindi 'yon naging sapat nang malaman ng mga ito ang lokasyon niya. Sa pangamba na mawala sa kanya ang nag-iisa na lamang na pamilyang mayroon siya, ang kanyang anak na si Abegail. At sa hindi sinasadyang pagtatagpo muli ng landas nila ng ama ng anak na si Heisen, kinailangan niya tuloy ang tulong nito. Nagpanggap siyang lalaki at nag-apply na bodyguard nito. Isa sa benipisyo kapag nagtrabaho sa pamilya Lindbergh ay ang pangako ng mga itong proteksyon sa pamilya ng mga tauhan. Ngunit sa pananatili niya sa tabi ni Heisen may kakaiba siyang natuklasan sa ama ng kanyang anak...
Romance
3.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Good Lawyer's Impostor Wife

The Good Lawyer's Impostor Wife

Mula sa isang huwad na hatol, pagkakakulong, at sunog na dapat sana’y kumitil ng kanyang buhay, muling isinilang si Beatrice Pascual sa katauhan ni Margaret Villacaceres. Sa likod ng bagong mukha ay naglalagablab ang paghihiganti laban sa mga taong umagaw sa kanyang kalayaan, anak, at pangalan. At sa gitna ng lahat, nakatayo si Atty. Theodore Galvez—ang abogado na siyang nagdiin sa kanya. Hindi niya alam, ang muling pagkikita nila ang magiging simula ng pinakamadilim at pinakamatamis na laro ng hustisya, pag-ibig, at paghihiganti.
Romance
463 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Aniela's Plea

Aniela's Plea

Carmela Beaufort
Aniela's parents committed a hideous crime. Habang pinagdudusahan ang kamalian ng mga magulang ay saka naman dumating ang tagapagligtas niyang si Samuel. Tinulungan siya ng binatang makabangon, mamuhay uli ng normal at makapag-aral. Ngunit tila kadugtong na ng buhay niya ang “kasalanan”, hindi na lamang kasi pagmamahal bilang kapatid ang nais niya mula sa kumupkop. May higit pa siyang hangad, kaya't inakit niya ang binata at nagbunga ang gabing iyon. Ngunit nakalilimutan na yata niya ang dala ng tunay niyang pagkatao sa lalaking mahal na maaaring sumira sa buhay nito. Maaatim ba niyang maranasan nito ang bangungot na pinagdaanan niya oras na malaman ng lahat ang kaniyang itinatago?
Romance
105.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET

LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET

Akala ni Margaret, sapat na ang pagmamahal para buuin ang isang pamilya. Pero matapos ang pitong taon ng malamig na pagtrato, pagtataksil ng asawa, at pangungutya ng sariling anak, napuno na siya. Iniwan niya ang lahat—at muling binuo ang sarili. Ngayon, isa na siyang sikat na fashion designer at pintor na hinahangaan sa buong mundo. Pero ngayong wala na siya, bigla silang ayaw siyang pakawalan. Bakit kailangang mawala siya bago nila mapagtanto ang halaga niya?
Romance
9.521.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire

Forced to Marry the Cold-Hearted Billionaire

Desperada nang iligtas ni Irina ang kanyang ina mula sa malubha nitong sakit, kaya naman nang mabigyan siya ng oportunidad na kumita ng malaking pera kapalit ng kanyang katawan ay hindi na niya iyon tinanggihan pa. Ngunit hindi niya akalain na kakambal nito ay isang panganib na tuluyang babago sa kanyang buhay—na naging dahilan upang mapilitan siyang pakasalan ang walang pusong si Alec Beaufort, ang CEO ng Beaufort Enterprises. Na kahit anong pagtakas ang kanyang gawin, nahahanap pa rin siya nito at ikinukulong sa marahas nitong mga bisig.
Romance
8.242.9K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status