Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
RUN, SELESTINA! (SSPG)

RUN, SELESTINA! (SSPG)

‎“Sa tingin mo ba matatakasan mo ako, Selestina? Akin ka lang!” he growls. “I will ruin every inch of your world until you beg to be mine again.” Rogue Vertudazo ‎ ‎•••••••••••••••• ‎‎Hindi naniniwala sa pagmamahal si Rogue Vertudazo. Umiikot lamang ang kanyang mundo sa tatlong bagay; money, power, and sex.  He hated the sight of women. He always thought women were nothing but weak and gold digger. Para sa kanya, ginagamit nila ang kahinaan ng lalaki upang paikutin sa kanilang palad. ‎ ‎Ngunit lahat nang kanyang paniniwala ay biglang nagbago nang makilala niya ang babaeng nagpagulo ng kanyang sistema. Ang maamo at inosenteng mukha ni Selestina Guerrera ay palaging sumasagi sa isip niya. ‎ ‎He claimed her as his the moment he saw her for the first time. Upang tuluyang maangkin ang dalaga. He decided to do something ruthless to get her. Ito ang dahilan kaya lumayo si Selestina. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, sa pag-alis nito ay may dinadala sa sinapupunan si Selestina. ‎ Halos libutin ni Rogue ang Pilipinas maging ang ibang bansa, matagpuan lamang si Selestina. Ngunit magaling itong magtago. Pero mapagbiro ang tadhana, nang muli silang nagkaharap, halos gumuho ang kanyang mundo nang malamang may anak na ang babae. Pero dahil desperado siyang maaangkin ulit si Selestina, pinagbantaan niyang ilalayo ang anak nito kapag hindi ito babalik sa kanya. ‎ Makukuha niya kaya ulit si Selestina? Ngunit paano kapag nalaman niyang anak niya ang batang kasama nito? Maniniwala ba si Rogue kahit alam niyang kailanman hindi siya magkaka-anak?
Romance
925.8K viewsCompleted
Read
Add to library
My Secret Billionaires Lover

My Secret Billionaires Lover

"pwede ba kuya! hindi naman namin pinapalayas yang asawa mong magaling. Kusa siyang umalis dito sa bahay, sinampal niya pa si Celestine, isa pa nabalitaan ko sa mga friends ko na yung haliparot na yun ee dun na nakatira sa condo ni Oliver" sagot pa nito sakin habang si Celestine ay tahimik lang na nakatayo sa likod ni Cecille. "CECILLE! tigilan niyo na kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie." napatiim bagang kong sagot dito "sige tawagan mo Sebastian ng magkaalaman kung sino nagsasabi ng totoo dito. i-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan." sabi pa ni mommy sakin. "Hello Sebastian napatawag ka?" tanong nito sakin "Oliver may gusto akong malaman at gusto ko sabihin mo sakin ang katotohanan, lalaki sa lalaki sabihin mo sakin sayo na ba nakatira ang asawa ko?!" tanong ko dito "Sebastian, oo totoong sa condo ko nakatira si Natalie, pero hindi ganun ang ibig sabihin nun. Tinulungan ko lang siya ng minsan ay madisgrasya ang sasakyan na sinasakyan niya, nabangga ang kotse niya sa poste nung oras na umalis siya sa mansion niyo, nakiusap siya sakin na wala na sanang ibang makakaalam ng nangyari kaya pina block namin sa news ang nangyaring aksidenteng ! Kilala mo ako Sebastian, oo tarantado ako at mahilig sa babae, pero hindi ang klase ni Natalie ang babaeng papatol na lang sa ibang lalaki kung wala ang asawa niya. Sya ang klase ng babaeng irerespeto. Siguro kung wala ka sa buhay niya hindi ko palalampasin ang pagkakataon na ligawan ko siya. Kaya ingatan mo ang asawa mo Sebastian, one in a million lang ang ganyang babae, kasi kung aayaw na talaga siya sayo. Hinding hindi ko siya pakakawalan."sagot nito sakin
Romance
1010.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Till Heaven Draw Us Near Again

Till Heaven Draw Us Near Again

Ang kuwentong ito ay tumatalakay kung paano nabuo ang "wagas na pag- ibig" sa pagitan ng dalawang puso na pinagtagpo at itinadhana sa maling panahon at maling pagkakataon. Dalawang puso na parehong nakatali sa mga sinumpaang pangako, ngunit pilit pa ring ipinaglalapit ng pag- ibig. Ngunit, paano na ang dalawang puso na nagmamahalan kung makakalaban nila ang Tadhana na hahadlang sa kanilang pag-iibigan na hindi maaaring sumibol sa lupa, sapagkat sa ibang panahon at pagkakataon sila nakatakdang magsama hanggang sa dulo ng walang hanggan? Hindi ito tipikal na istorya ng pag- ibig na kung saan "kapag mahal mo, ipaglalaban mo", bagkus sa kuwentong ito tuturuan ka ng hangganan kung hanggang saan ka lang dapat makipagbuno sa ngalan ng pag- ibig. Sa kabilang banda, hindi lamang umiikot sa pag- iibigan ng dalawang pangunahing karakter ang matutunghayan sa nobelang ito, dahil nakapaloob rin sa kathang ito ang pinakamataas na antas ng pag- ibig- ang pag-ibig sa Diyos, gayundin ang pagyakap sa sariling kasalanan, pagtanggap sa sariling kahinaan, kapatawaran sa kapuwa at sarili, at higit sa lahat, pagtuklas sa tunay na misyon o papel kung bakit ka naririto at nabubuhay pa sa mundo.
Other
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE

THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE

Si Elijah Juarez, 25 years old, ipinanganak sa kahirapan ngunit itinadhana para sa marangyang buhay. Pinakasalan niya ang lalaking pinapangarap ng lahat — si Lejandro Ferman, anak ng isang bilyonaryo at tagapagmana ng pinakamalawak na hacienda sa bayan ng Velegas. Isang kasal. Isang pangakong walang hangganan. Isang buhay na tila perpekto... Pero paano kung ang lahat ng ‘perpekto’ ay bigla na lang maglaho? Ginawa kang alipin. Utusan. Alila. Pinagmalupitan. Tinanggalan ng dignidad. At ang lalaking pinakasalan mo — si Lejandro — bumalik sa Pilipinas… Ngunit hindi para iligtas ka. Kundi para ituring kang hindi asawa, kundi isang hamak na katulong sa kanilang hacienda. "Saan hahantong ang pagiging asawa ng isang bilyonaryo kung hindi ka niya kinikilala bilang asawa?" Aalis ka na lang ba? O haharapin mo ang mapait na katotohanan? Paano kung isang araw... Bumalik ang alaala ni Lejandro, ngunit ibang babae na ang nasa kanyang puso? Dahil sa mapanlinlang na si Furtiza, ang tunay mong pagkatao ay ninakaw… At ikaw na si Elijah, ay ipinakilalang katulong — sa iyong tunay na asawa.  Isang kwento ng pagnanasa, pagkakalimot, at pagtataksil. Handa ka bang maramdaman ang sakit ng pagmamahal na binura ng panahon?
Romance
9.622.9K viewsCompleted
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE

THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE

THE BILLIONAIRE’S PROMDI WIFE Promdi pero palaban. Nang makilala ni Summer ang masungit, mayabang, matapobre at walang puso na si Lyndon Santiago, hindi siya nagpatalo dito. Nagpaalam agad siya pagkatapos ng tatlong araw na bakasyon sa townhouse nito kahit pa nangako ito na tutulungan siya sa napakabigat niyang problema. Pero hindi siya nito pinayagang umalis. Sa halip, sumama ito sa probinsya nila sa Quezon Province at ‘nanilbihan’ sa kanya gaya ng ordinaryong binata dahil gusto raw nitong ‘maningalang-pugad’ sa kanya at itama ang lahat. She fell in love with him fast and—hard. At siya rin ang nag-suggest dito kahit fake na kasal. Handa rin siyang bigyan ito ng anak kahit singdami ng isang basketball team sa Pilipinas kahit na siya ang talo sa huli at walang kasiguruhan. May reward ba si Kupido sa tulad niya na buong puso kung magmahal? ******* Matindi ang sumpang tumama kay Lyndon unang beses pa lang niyang nakita si Summer: Wild sex. Pure lust. Burning passion. Higit sa nararapat. Walang oras na hindi siya nagnanasa sa probinsyanang dalaga. Nawalan ng saysay ang  personal niyang dahilan  kaya wala siyang tiwala kahit kaninong hampaslupa. Iba si Summer. Her name fits her personality. Para itong nagsasalitang konsensya kapag nagkakamali siya. Malupit ang  karmang dumapo sa kaniya. Pero maliban sa kailangan niya itong malahian kaagad, wala na siya ditong ibang pakinabang. Sa mundong pinakamahalaga ang pera, may puwang ba si Summer sa tabi niya? **** AUTHOR'S NOTE: Isinulat ko po ang novel na ito, 6 years ago. Unfinished sa ibang app dahil naging busy. From second pov, inilipat ko sa first pov ngayon kaya humihingi ako ng pasensya sa 'ako' na nagiging 'siya'. Please, bear with me. Salamat po. 😍❤️‍🩹🔥
Romance
1018.7K viewsCompleted
Read
Add to library
She Married the Stranger Book 1

She Married the Stranger Book 1

yoursjulieann
"Kapag lumalapit ang isang tao sa'yo tapos..tapos..biglang bumibilis ang tibok ng puso mo---" hindi ko na naituloy ang sunod ko pang sasabihin dahil pinutol na niya at diretso siyang sumagot. "Inlove! You're inlove with him!!" "Inlove? S-sure ka?W-walang halong biro?" nakakunot na noo na tanong ko. "Oo. Inlove ka. Bakit? Kanino mo nararamdaman 'yan?" "Ah. Eh. Nevermind." sagot ko na parang walang pakialam sa sinabi niya. Inlove. It can't be. "Kay stranger ka inlove?" "Hindi! Hindi!" agad kong sagot. Sa dinami-dami ba naman ng pangalan na sabihin niya kay stranger pa talaga. ----------------------------------- Basahin ang storya ni Mesaiyah na ikinasal sa estrangherong tagapagmana ng Yakuza. Tunghayan kung paano siya unti-unting mahuhulog dito.
YA/TEEN
105.6K viewsCompleted
Read
Add to library
To Keep a Homeless Mafia Boss

To Keep a Homeless Mafia Boss

Eyah
“Never in my wildest imagination did I thought na kailangan pa kitang ipa-kidnap para lang magkita tayo ulit. Hindi na ako papayag na makawala ka pa sa akin ulit, Calista. You’re in my possession now. And once mine, will forever be mine.”
Romance
102.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Contract marriage (Tagalog)

Contract marriage (Tagalog)

si louisse ay ipinagkasundo sa anak ng kaibigan nang kanyang ama. Subalit Hindi nito kayang pakasal Ang binata.Dahil sa gusto Muna niya makapag- aral at maabot Ang kanyang pangarap. Ngunit sa kanyang pagbabalik.Doon niya mapagtatanto na mahal Pala niya Ang binata. At Ang binata Ang magpapahirap sa kanya.Dahil sa gusto niyang ipadama Ang sakit na kanyang naranasan noong iniwan siya nito.Ngunit sa huli pala ay sila Rin Pala Ang magkakatuluyan NG binata.
Romance
1075.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Sa isang mundo kung saan ang pag-ibig ay tila isang laro ng kapangyarihan at pangangailangan, nagkrus ang landas nina Isla Montemayor at Liam Callisto-dalawang taong magkaiba ng mundo pero parehong desperado sa isang bagay. Si Isla, isang matapang at determinadong babae, ay kailangang iligtas ang kanilang naluluging negosyo at ang nag-iisang pamilya niyang natitira—ang kapatid niyang si Lucas na may malubhang sakit. Samantalang si Liam, isang malamig at istriktong CEO, ay nangangailangan ng isang huwad na asawa upang mapanatili ang kanyang posisyon sa Callisto Group at hindi ito mapasakamay ng kanyang tusong madrasta. Dahil sa desperasyon, isang kasunduang kasal ang nagbuklod sa kanila—isang kasunduan na dapat ay walang halong damdamin. Ngunit paano kung ang larong ito ng pagpapanggap ay unti-unting maging totoo? Paano kung sa kabila ng kanilang matinding away, pagkakaiba, at mga lihim, ay matutunan nilang umibig sa isa't isa? Sa gitna ng pagsubok, pagtataksil, at mga hindi inaasahang rebelasyon, matutuklasan nina Isla at Liam na ang tunay na pag-ibig ay hindi isang kasunduan—ito ay isang bagay na lalampas sa kahit anong kontrata. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang talunin ang lahat ng balakid? Isang kwento ng pag-ibig na hindi lang tungkol sa isang kasunduan, kundi sa pagpili ng pagmamahal kahit gaano kahirap. Dahil sa huli, kahit anong pagsubok, ang tunay na pag-ibig ang magtatagumpay.
Romance
10371 viewsOngoing
Read
Add to library
Beyond The Broken Marriage

Beyond The Broken Marriage

BEHIND THE BROKEN MARRIAGE Si Alyssa Reyes-Delgado, isang matagumpay na obstetrician at mapagmahal na asawa, ay pilit binubuo ang mga piraso ng matagal nang nagkakabitak na relasyon nila ng kanyang asawa, si Marco Delgado. Lumaki silang magkasama, pinanday ng panahon ang kanilang pagmamahalan, ngunit sa paglipas ng mga taon, unti-unting nawala ang init sa kanilang samahan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling bumalik sa kanilang buhay si Samantha Cruz, ang dating kasintahan ni Marco at ang unang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Ngayo’y isa nang sikat na aktres, si Samantha ay determinado na muling makuha si Marco, hindi alintana ang damdamin ni Alyssa. Habang pilit nilalabanan ni Alyssa ang sakit ng pagtataksil at muling pagbuhay ng nakaraan, isang taong di niya inaasahang magiging sandigan ang kusang lumapit—si Dr. Lucas Reyes, isang kapwa manggagamot na may tahimik ngunit malalim na pagmamalasakit sa kanya. Ngunit sa gitna ng masalimuot na damdamin at mga lihim na bumabalot sa kanilang kasaysayan, mapapanatili kaya ni Alyssa ang kanyang pamilya? O sa huli, mas pipiliin niyang buuin ang kanyang sarili kaysa magpatuloy sa isang pagmamahalang durog na? Sa pagitan ng pag-ibig, pagtataksil, at pagpapatawad, mahahanap kaya nila ang daan tungo sa muling pagkakabuo? O ang kanilang kasaysayan ay mananatiling isang alaala lamang sa likod ng wasak na pagmamahalan?
Romance
11.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status