Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Neglected Wife

The Billionaire's Neglected Wife

Isang babaeng pinagpala. 'Yan ang tingin kay Chynna ng mga taong nakapaligid sa kanya nang pakasalan niya si Geoff Montecarlo. Para sa kanila, kainggit-inggit ang pagkakaroon ng asawang bukod sa mayaman na ay ubod pa ng gwapo. Total package 'ika nga! Madalas na biro tuloy sa kanya, nang magpaulan daw siguro ng pagpapala ang Diyos ay malamang nasalo niya ang lahat ng iyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi na masaya si Chynna sa piling ng asawa. Sa loob kasi ng halos isang taon nilang pagsasama, madalang pa sa  patak ng ulan kung siya ay bigyan ng atensyon nito. Dahil doon ay nagsimula siyang magkaroon ng depresyon at insekyuridad. Sa kanyang pangungulila sa pagmamahal ay natagpuan niya ang kanyang sarili sa loob ng isang gaybar, ang Narcissus. Doon niya nakilala si Bryle. Isa itong macho dancer at siyang naging tagapag-aliw niya ng gabing iyon. Sa palagian nilang pagkikita ng lalaki ay unti-unti silang nagkahulugan ng loob nito. Dito niya natagpuan ang pagkalinga na siyang ipinagdadamot sa kanya ng asawa. Dahil doon ay naisip niyang iwanan na lang si Geoff at tuluyan nang sumama kay Bryle. Ngunit sadya nga talagang mapagbiro ang tadhana... Sa hindi inaasahang pagkakataon, natuklasan niyang magkakilala pala ang dalawa nang makita niyang magkasama ang mga ito. Ano kaya ang ugnayan ng mga ito sa isa't isa? At sa labis na pagtataka ni Chynna, bakit kaya umiiyak na nakaluhod si Geoff sa harapan ni Bryle?
Romance
306 viewsOngoing
Read
Add to library
CHASING THE BILLIONAIRE'S HOLY WIFE

CHASING THE BILLIONAIRE'S HOLY WIFE

Bb. Graciella Carla
Si Adonis Cain Albano ay ang CEO ng Albano Construction Engineering, isa sa pinakamalaking Construction Companies sa buong Pilipinas. Pinahahalagahan niya ang prestihiyo ng Albano Group of Companies. Wealth was the true source of power for him. Si Esmeralda Sullivan, isang 28-anyos na babae ay nakatakdang gugulin ang kanyang buong buhay sa simbahan. Mula pa noong bata pa siya ay itinakda na ng kanyang mga magulang na siya'y maging madre at maglingkod sa Diyos sa buong buhay. Her best friend gifted her a plane ticket to Las Vegas one day. He only wanted a one-night stand to relieve his frustration. A one-night stand was not her style in her 28 years of existence. Nonetheless, they ended up together on a passionate night. There are no identities, emotions, or conflicts involved. Naisip ni Esmeralda na ang hindi nila inaasahang pagtatagpo ay isang insedenteng hindi na dapat pang maungkat kailan pa man. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. A marriage contract that would bind them forever arrive at her parent’s house. Will their agreement lead to the realization of their desires, or will it result in a catastrophic union? Will Cain go in search of Esmeralda?
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Chained in Love

Chained in Love

Isa lang ang gusto ni Aryen Romero sa buhay niya at iyon ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Ulilang lubos mula pagkabata at nakuntento sa puder ng mapanglait at mapanakit niyang tiya. Papasok siya bilang isang katulong sa isa sa pinakamayamang pamilya sa Laveda. Sa sobrang yaman ng mga ito ay kahit sino sa bayan nila ay nangangarap na mapabilang sa pamilya Lizares, at isa na ang Tita niya. Her Aunt's thirst for wealth awakened when she knew about her work. Inutusan siya nitong akitin ang tagapagmana ng mga Lizares at kung hindi niya iyon gagawin ay palalayasin siya ito at hahayaang tumira sa kalsada. Hindi totoo ang mga diyos sa mitolohiya pero mukhang naisasabuhay ito ni Armiel Frederick Lizares. At talaga nga namang sobrang imposible na maaakit niya ito dahil sa kasamaan ng ugali na parang ang tingin sa lahat ng mga mahihirap ay mukhang pera. But as she know him well, she discovered something deep in him behind his rich face, and lifestyle. Sa sandaling panahon ay nagawa niyang ibigay ang lahat-lahat sa binata. Pero hindi kailanman pabor sa kanya ang tadhana. Nalaman ni Armiel ang plano ng Tita niya at lubos itong nagalit na pinagtabuyan siya na nagpadurog sa kanya ng husto. Nang lumayo siya sa binata ay nalaman niyang dinadala niya ang bunga ng isang gabing mainit nilang pinagsaluhan. At kahit anong hirap ang hinarap niya dahil doon ay determinado siyang huwag ipaalam dito ang tungkol sa anak. Pero talagang mapaglaro ang tadhana. Gaano man niya itago ang anak ay lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan. Paano niya haharapin ang galit nito sa ginawa niyang pagtago sa anak nila? Will he believe that she's not after his wealth? Will the chain of love between them could hold them two together again—or not?
Romance
9.216.5K viewsCompleted
Read
Add to library
BIYAHENG LANGIT

BIYAHENG LANGIT

Masungit, maarte at maiksi ang pasensya ni Natasha kaya walang nangangahas na manligaw dito kahit diyosa ito sa kagandahan. Ang tingin sa kaniya ng lahat ay wala siyang libog sa katawan, hanggang sa magkrus ang landas nila ng isang aroganting driver. Gusto lang naman ni Yael subukan kung hanggang saan ang kakayahan ng babaing pinagkakatiwalaan ng abuelo na namamahala sa kompanyang kaniyang mamanahin. Pero mukhang ang pagiging babaero niya ang susubukin nang mahuli ang kiliti ng isang virgin na babae. Magamit niya kaya ang galing sa kama upang mapasuko ang babae o sarili niya ang isusuko upang maangkin ang babaing mahirap amuin?
Romance
104.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)

The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)

 Mataman ko lamang siyang pinagmamasdan mula rito, sa may ‘di kalayuan. Batid ko na kanina pa siya sa akin naghihintay.  Halata ang labis na pagkainip na mababanaag sa kaniyang hapong mukha, ngunit sadyang hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa palapit sa kaniya… hindi ko pa kaya.  Alam ko, na sa sandaling gawin ko ang bagay na iyon ay ito na rin ang magiging simula nang tuluyan kong paglimot sa kaniya— na matagal ko na sanang ginawa.      ●  SA edad labing-anim, labis na nasaktan ang murang puso ni Cinderella, nang malaman nito na ang lalaking lubos n’yang hinahangaan ay may napupusuan na palang iba.  Dahil sa nangyari, isinumpa niya sa sarili na hinding-hindi na siya muling iibig pa. Na si Miguel Balbuena lamang ang nag-iisa at natatanging lalaki na kakikiligan niya –wala ng iba.  At para maisakatuparan ng dalagita ang bagay na iyon, napagpasyahan nito na baguhin ang sarili niyang katauhan– ang maging isang tomboy.   Hanggang kailan mapaninindigan ni Syd ang pagtotomboy-tomboyan, kung makasalamuha niya na ang lalaking katulad ng isang Juan Benedicto Antonio III?   Juan Benedicto Antonio III, a 25-year-old future CEO of Antonio-Go Corporation, one of the largest distributor of Agro-Chemicals, fertilizers and seeds in the Philippines. A certified womanizer at never pang nagseryoso sa isang babae. Ayaw nitong pinagsasabay ang business and pleasure,kaya naman agad nitong sinisibak sa trabaho ang sinuman sa mga nagiging sekretarya, na nagpapakita ng mga kakaibang motibo sa kaniya.  Paano kung makasalamuha na ng binata ang kakaibang sekretarya sa katauhan ni Syd Santos, isang lesbiyana at nang nagsabog ang Diyos ng lakas ng sex appeal sa mundo ay sinalo na nito lahat.  May mamuo kayang love story sa pagitan ng dalawang nilalang na ito, na parehong nakararanas ng Pogi Problem Syndrome?
Romance
8.44.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Downfall He Never Had

The Downfall He Never Had

LichtAyuzawa
For the past years in Arra's life she only wished for her family to have good health and be safe. She's been a servant of god all her life kaya hindi siya nagkakasala intentionally pero dadating sa puntong susubukin ng diyos ang pananampalataya ng isang tao at yun ang nangyari kay Arra nung makilala niya si Prince isang criminology student mula sa universidad ng san juliano. Si Prince ay kagaya din ni Arra na isang servant ng panginoon at masunuring anak pero ang tahimik sanang buhay ng dalawa ay magugulo dahil sa pagtatagpo ng kanilang mga landas at ang sinless nilang pamumuhay ay mababahiran ng makamundong kasalanan na labis nilang pag-sisisihan pero huli na dahil parehas na silang nasaktan. Sa pag-alis ni Arra sa lugar kung saan niya naranasan ang unang sakit ng pag-ibig ay mahanap niya kaya ang kaligayahang matagal niyang ninais? Ano ang mangyayari kung sa pag-alis niya ay makilala niya si Marco isang mayaman at ubod ng bait na lalaking magmamahal sa kanya ng buo. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil muling magbabalik ang kanyang nakaraan para gulugin ang kanyang tahimik na kasalukuyan.      
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Till Heaven Draw Us Near Again

Till Heaven Draw Us Near Again

Ang kuwentong ito ay tumatalakay kung paano nabuo ang "wagas na pag- ibig" sa pagitan ng dalawang puso na pinagtagpo at itinadhana sa maling panahon at maling pagkakataon. Dalawang puso na parehong nakatali sa mga sinumpaang pangako, ngunit pilit pa ring ipinaglalapit ng pag- ibig. Ngunit, paano na ang dalawang puso na nagmamahalan kung makakalaban nila ang Tadhana na hahadlang sa kanilang pag-iibigan na hindi maaaring sumibol sa lupa, sapagkat sa ibang panahon at pagkakataon sila nakatakdang magsama hanggang sa dulo ng walang hanggan? Hindi ito tipikal na istorya ng pag- ibig na kung saan "kapag mahal mo, ipaglalaban mo", bagkus sa kuwentong ito tuturuan ka ng hangganan kung hanggang saan ka lang dapat makipagbuno sa ngalan ng pag- ibig. Sa kabilang banda, hindi lamang umiikot sa pag- iibigan ng dalawang pangunahing karakter ang matutunghayan sa nobelang ito, dahil nakapaloob rin sa kathang ito ang pinakamataas na antas ng pag- ibig- ang pag-ibig sa Diyos, gayundin ang pagyakap sa sariling kasalanan, pagtanggap sa sariling kahinaan, kapatawaran sa kapuwa at sarili, at higit sa lahat, pagtuklas sa tunay na misyon o papel kung bakit ka naririto at nabubuhay pa sa mundo.
Other
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
DESPERATE MOVE

DESPERATE MOVE

“WARNING! MATURED CONTENT! Read at your own risk…” “Masaya na ako sa isang payâk na pamumuhay, makatapos ng pag-aaral ang isa sa mga pangarap ko. Ngunit, paanong nasadlak ako sa isang kasalanan na hindi ako ang may gawa?”- LOUISE Louise Howard- isang simpleng dalaga na may pangarap sa buhay, lumaking may takot sa Diyos at busog sa pangaral ng magulang. Babaeng busilak ang kalooban na sinamantala ng kaibigang mapanlinlang. Nagising na lang si Louise na siya na ang sinisisi ng lahat sa nangyaring aksidente. Siya ang sumalo sa galit ng pamilyang Thompson, dahil sa minor de edad pa siya ay hindi nakulong ang dalaga. Ngunit biglang naglaho si Louise at maging ang mga magulang nito ay walang nagawa. Natagpuan na lang ni Louise ang sarili na nakatayo sa harap ng isang lalaking nakaratay sa kama. At bilang kabayaran sa kanyang kasalanan ay personal niyang aalagaan ang binatang naka-comatose. Akala ni Louise ay matatapos na ang delubyo sa kanyang buhay sa oras na magising ang lalaki. Subalit, hindi niya inaasahan na habambuhay pala niyang pagdudusahan ang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa. Habang ang totoong may sala ay malayang namumuhay sa karangyaan. Magawa pa kayang makaalis ni Louise sa poder ng isang lalaking makasarili at tila malaki ang galit sa mundo? O tuluyan na niyang yayakapin ang masalimuot na sitwasyon? Ating subaybayan kung paanong ibangon ni Louise ang kanyang sarili at ibalik ang dignidad na winasak ng taong kanyang pinagkatiwalaan. “DESPERATE MOVE”
Romance
1021.3K viewsCompleted
Read
Add to library
* BILLIONAIRE SUBSTITUTE BRIDE *

* BILLIONAIRE SUBSTITUTE BRIDE *

Ang walang-hanggang pagmamahal ni Elizabeth sa kanyang yumaong ina ang nagtulak sa kanya na gumawa ng mga bagay na tanging isang desperado lamang ang nakakaunawa. Upang iligtas ang kumpanya ng kanyang ina, pumayag siyang pakasalan ang isang lalaki na dalawang beses sa kanyang edad. Walang paraan na makakatakas siya sa kahabag-habag na katotohanan, ngunit sa araw ng kasal, napangasawa niya ang maling nobyo na naging pinakamayamang tao sa bansa. Para siyang binigyan ng Langit ng isa pang pagkakataon at hindi niya hahayaang mawala ang pagkakataon. Gayunpaman, kaya ba niya ang tensyon sa tuwing malapit sa kanya ang pekeng asawa? Paano kung mahulog siya sa kanya? Mahuhuli ba siya? O mahuhulog siya sa mas kumplikadong sitwasyon? *** Ang pangarap ng bawat lalaki ay pagmasdan ang kanilang nobya na naglalakad sa pasilyo patungo sa kanila, gayunpaman, ang magandang panaginip ay naging isang bangungot nang makakita si Tyrone ng ibang babae sa ilalim ng belo. Tumakas ang kanyang nobya at napilitan siyang magpakasal sa isang estranghera. Para maging mas kumplikado ang lahat, kaka-appoint lang niya bilang President ng kumpanya at kailangan niyang mapanatili ang magandang reputasyon. Ang pagpapanatili sa kanyang pekeng nobya sa kanyang tabi ang tanging pagpipilian na natitira sa kanya. Gayunpaman, paano niya haharapin ang kanyang pagpipigil sa sarili kung ang babaeng napagkamalan niyang pinakasalan ay isang ganap na diyosa ng tukso?
Romance
109.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Marriage for Convenience

Marriage for Convenience

Misa_Crayola
Si Kristine ay masunuring anak at hindi mahilig makipagtalo sa kahit na sino. Maraming pumupuri sa kanya dahil sa kanyang magaling na pakikisama, kaya malaking tanong para sa kanya kung bakit hinayaan ng Diyos na mangyari sa kanya ang kanyang mga pinagdaanan? Ang second year anniversary nila ng two years boyfriend at planong pagbibigay ng sarili rito dahil sigurado na siyang ito ang lalaking gusto niyang maging asawa ay nauwi sa isang malaking eskandalo. Ang lalaking namulatan niya sa kama ay isang guwapong C.E.O. ng isang steel fabrication at inaakala naman nitong isa siyang prostitute na inarkila nito. Mabilis ding kumalat ang scandal nila na hindi rin niya alam kung paano nangyari at sino ang may gawa. Dahil doon, pilit siyang pinahihiwalay ng ina ng kanyang boyfriend sa anak nito at pinagbantaan. Maging ang kanyang ama ay galit na galit sa kanya at sinabing hinding-hindi na siya makakatungtong sa pamamahay nila hangga't hindi niya dinadala ang lalaking kasama niya sa scandal at nang araw din na iyon, nakipaghiwalay sa kanya ang kanyang boyfriend. Nagpakalayo-layo siya dahil sa kahihiyan pero maliit ang mundo dahil ang boss niya pala sa bagong trabaho ay ang mismong nakatabi niya sa kama, at ito rin ang unang nakaalam na buntis siya at ito ang ama. Pinipilit din ng lola nito na panagutan siya o aalisin ito sa kompanya. Kung magiging asawa niya ito matutuwa ang kanyang ama na isang investment ang tingin sa kanya. Magpapakasal lang sila dahil pareho nila iyong kailangan. Para kay Kristine, ang magulang na lamang niya ang mayroon siya, kahit para na lamang sa katuwaan ng mga ito ay magpapatali siya sa lalaking kasama niya sa naganap na bangungot ng buhay niya.
Romance
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
123456
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status