Fake to Forever
But then I thought, natural lang na magising siya nang maaga dahil may trabaho, samantalang ako ay wala pang detalyadong plano.
‘Positive thoughts only.’ Iyon ang sinabi ko sa aking sarili nang magising ako kanina. Hinagip ko ang isang rubber band at ipinusod ng kung paano lang ang aking buhok. Pasado alas-otso na nang tumingin ako sa wall clock kaya siguradong nakapasok na sa opisina si Paul . . . or Justin, whatever his name is. Nakilala ko siyang Paul, but that can be changed kung Justin ang sadyang itinatawag sa kaniya ng mga tao sa paligid niya.