The Maid Who Became His Contract Wife
"Akala ko ba sanay ka nang maglingkod? Go, get me a drink. Or better yet, get out. Obvious naman na hindi mo kailangang makita 'to."
"Nandito ako para—"
Natigil ang pagsasalita ko nang nag-interrupt bigla si Marco. "Para ano? Huwag mong sabihing honeymoon? Oh, come on, Mona. In your dreams."
Tumawa si Sarah. Isang tunog na parang musika sa pandinig ni Marco. Lumapit siya sa akin, ang bawat hakbang niya ay puno ng confidence na hinding-hindi ko makukuha. "Mona, gising. Kontrata lang ang marriage niyo. You’re just a rental girl for an heir, that’s it."