Anna
Naiwan si ate Bebang at niyakap ako, hindi ko naman naiwasang umiyak ulit dahil parang nakahanap ako ng masasandigan, napaka bigat talaga ng dibdib ko at kailangan ko itong ilabas gamit ang pag iyak.
"Tahan na, ganyan talaga ang buhay. May mga taong hindi kayang ibalik yong pagmamahal mo pero darating din ang araw na tatawanan mo nalang yan in the future. Naiintindihan kita dahil naranasan ko din yan sa first love ko."
Pagkukunswelo ni ate Bebang kaya mas lalo pa akong umiyak.
"Napakasakit talaga ate Bebang, ewan ko kong bakit naman kasi sa kina dami daming lalaki sa mundo sa kanya pa ako na inlove!"