Exclusive Wife Of A Billionaire
“Alam mo, okay lang naman na huwag masyadong hawak ng babae ang pera, para hindi masabing mukhang pera, but at least dapat meron kang pang-emergency. If you don’t want to keep it, bayaran mo na lang ako kapag may pera ka na.”
Simple lang ang pagkakasabi, pero uminit ang dibdib ni Shayne. Hindi niya inakala na napansin pa ni Jerome ang maliit na insidenteng iyon. Ipinakita nitong pinapansin at iniintindi siya.
Hindi na siya nagpakipot. Tinanggap niya ang card at ngumiti. “Thanks, Jerome.”
“Magpalit ka na ng damit. Buksan na today ‘yung department store ko, let’s go shopping. May discount, of course,” biro ni Jerome, habang nakatingin sa kanya nang may halong lambing.
Bab Populer