Fake to Forever
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya pero ngumiti siya sa akin nang nakaloloko.
“Huwag kang assuming. I’ll pay for the shirt. Magkano?”
Umiling si Justin. “I told you. It’s not for sale. If you really want one, magpagawa ka na lang ng bago. The fabric is already thin. Honestly, I didn’t think it would still be around. Akala ko matagal na ’yang gutay-gutay at naging basahan.”
“It’s the memories I have with it, that’s why I want to keep it. Walang memory ang isang bagong T-shirt kung magpapagawa ako ng katulad nito.”