Pagmamay-ari Kita
Tumingin ako sa dagat, sa lawak na minsang pinagmulan ng pag-asa, ngayon ay pinagmumulan ng sakit.
“Kung buhay pa kayo,” bulong ko sa hangin, “kahit isang senyales lang… h'wag n’yo kaming hayaang tuluyang sumuko.”
Pero sagot lang ng dagat at ng katahimikan.
Nanatili akong nakatayo roon, hinahampas ng malamig na hangin ang mukha ko habang ang alon ay paulit-ulit na sumasalpok sa gilid ng barko. Para bang nililibak ako ng dagat-paalala kung gaano kami kaliit kumpara sa lawak nitong walang pakundangan.
Sikat na Kabanata