His Billionaire Twin Took His Place
May mga taong bumabati kay Ely, may yumayakap kay Damon, at may mga lalaking kinakamayan siya na para bang matagal na silang magkakaibigan.
Meanwhile, ako? Nakatayo lang sa tabi nila.
Hindi ko maiwasang bahagyang mapalingon sa paligid. Ang daming tao. Lahat sila mukhang magkakakilala, and everyone seemed to know exactly where they belonged.
Samantalang ako, hindi ko alam kung saan ako dapat pumuwesto.
“Ely, remember me?” tanong ng isang babae habang nakangiting nakatingin sa kanya.