TAKOT AKONG IBIGIN KA ( SPG )
Ang lambing, ang dahan-dahan, isang kabaligtaran sa marahas at mapusok na pag-angkin ng kaniyang ama kanina lang.
"I love you rin," pabulong kong sagot bago pumasok at isinara ang pinto.
Nang mai-lock ko ang pinto, tila doon lang ako binawian ng lakas. Napasandal ako sa kahoy at dahan-dahang napaupo sa sahig. Doon ko pinakawalan ang hagulgol na kanina ko pa pinipigil. Mabilis kong hinubad ang blouse ko, ang palda, at ang underwear ko na may bakas pa rin ng kaniyang ama. Pumasok ako sa banyo at binuksan ang shower sa pinakamainit na temperatura.