Love Revenge Game
napahinto ito sa pagsasalita at binigyan ng kahulugan ang salitang 'faithfulness', saka may dinampot na kard mula sa kaniyang gabinete.
Itinaas naman niya ito, saka mainam na pinagmasdan at winawagayway. Ang kard na kaniyang mayabang na pinapakita ay gawa sa mamahaling papel, nakaaakit na disenyo, at dibuho, at mahalimuyak.
“romantic date,” pagpapatuloy niya, saka napatitig sa aking mga mata.
Napalunok na lamang ako, saka napalinga sa ibang direksiyon. Agad ko naman itong binigyan ng tugon o tamang sagot para makaiwas sa kakaibang atmospera.