The Cripple Ballerina: Escaping The Billionaire’s Heartless
It's Byenn and Alaric's 5th wedding anniversary when Alaric's first love came back. At noong gabing iyon, aksidenteng nahuli ni Byenn si Alaric sa loob ng banyo, minamasturbate ang sarili habang binabanggit ang pangalan ng ibang babae.
"Byenn, nakakaawa si Reia ngayong bumalik siyang mag-isa," paliwanag ni Alaric. "Tinutulungan ko lang siya bilang kaibigan."
Tumango lang si Byenn at tipid na ngumiti.
"Naiintindihan ko," maikli niyang sagot.
Makalipas ang ilang araw, muling nagpaalam ang lalaki habang nag-eempake ng gamit.
“Byenn, nangako ako kay Reia na ice-celebrate ko ang birthday niya sa isla. Tinutupad ko lang ang pangako ko noon.”
"Okay.”
"Byenn, this party needs a capable assistant," hirit ulit ni Alaric bago ang isang malaking event, tila minamaliit ang kakayahan ng asawa. "Mas bagay si Reia kaysa sa iyo para sa role na ito."
"Okay, go ahead."
Nang mapansin ni Alaric na hindi na siya nagagalit, hindi na umiiyak, at hindi na naggagawa ng eksena, naguluhan ito.
Lumapit ito sa kaniya at nagtatakang nagtanong, "Byenn, bakit hindi ka na nagagalit?"
Of course, hindi na siya galit dahil aalis na rin siya. Pagod na siya sa stagnant nilang kasal. Habang abala si Alaric kay Reia ay palihim siyang nag-aral ng English saka kumuha ng IELTS, at pasimpleng nag-submit ng applications para mag-aral abroad.
On the day her visa was approved, she threw out the divorce papers.
"Huwag kang magbiro nang ganyan," sarkastikong tawa ni Alaric habang tinitingnan ang papel. "Paano ka mabubuhay nang wala ako?"
Hindi na nag-abalang sumagot si Byenn. She just turned around, bought a plane ticket, and flew straight to Europe.
The next time Alaric saw news about her, it was through a viral video online.
Kitang-kita ang ganda ni Byenn habang naka-red dress, dancing freely in the sky above a foreign land. She looked so alive.