From Maid to Billionaire's Wife
Hindi ko pwedeng palampasin ang ganitong patutsada sa teritoryo ko.
Isang malapad na ngiti ang isinalubong ko sa kaniya habang sumasabay ako sa kanilang paglakad. "Ay, Senyorita Celestine, huwag mo namang masamain ang paggising ko nang tanghali. Alam mo naman, kapag malinis ang konsensya ng isang tao, mahimbing talaga ang tulog! Walang dalang bigat sa dibdib, walang takot na baka may multo o CCTV na lilitaw kinaumagahan para maglantad ng katotohanan. Kaya kung ako sa iyo, huwag kang mag-alala sa oras ng gising ko, mag-alala ka kung bakit ang aga-aga mo rito—parang natatakot kang mapanood ang sarili mong palabas, eh."
ตอนยอดนิยม