Kakaibang Init (SPG)
Sabagay, ganoon nga siguro kaya hindi na siya nagsalita.
Nakahinga na ako ng maluwag pagdating ko sa loob ng sasakyan ko. Lintik na mga tao ‘yan, puro judgemental. Ang hirap din talagang maging famous. Dadami at dadami ang pakilamero at pakilamera sa buhay mo. Hindi bale, makakalimutan din ng tao ang tungkol sa amin ni Ralia. Hahayaan ko na lang munang laitin nila akong lahat, pero kapag bumalik na ang ka-hot-an ko, babaliwin ko ulit ang mahal nilang si Ralia. Alam na alam ko pa naman ang kiliti na ni Ralia. Sa oras na makita niyang naging guwapo at hot na ulit ako, madali na lang ulit makuha ang tiwala niya.
Habang pinag-iinit ko ang kotse ko, nag-message ulit ako kay Madison.