Magnus : My Mafia Husband
Inaalalayan niya ako para sumampa sa board.
"Yes," ngiti ko sabay sampa sa board, sabay kaming dalawa na sumagwan papunta sa malalim na parte at sinalubong ang wave ng dagat. Nakaka-excite ang ginagawa namin, mabilis akong natuto dahil magaling magturo si Magnus, bihasa ito sa extreme na sport. Nanood ako kung paano niya salubungin ang wave saka magpakitang gilas sa pagragasa pa-slide sa mga wave. Na-prefect niya ang routine papunta sa may mababaw na bahagi. Matapos niya ay ako naman. Sumampa ako sa board at naghintay ng magandang wave, dahan-dahan akong sumalubong, but my first attempt is not good as Magnus.
"It's alright, kaya mo 'yan," sambit pa nito sa akin.