Filtrar por
Estado de actualización
TodoEn cursoCompletado
Ordenar por
TodoPopularRecomendaciónCalificacionesActualizado
Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Bata pa lamang si Sam ay bukambibig na niya na si Vaughn ang lalaking kanyang magiging asawa — na kaibigan ng nakakatanda niyang kapatid. Kahit malaki ang agwat ng kanilang edad at nakakabatang kapatid lamang ang turing nito sa kanya. Madalas nga ay nagpa-practice na siya sa pagsusulat at idudugtong ang apelyido ni Vaughn na Lopez sa kanyang buong pangalan na Samantha Santos. Inspirasyon din niya ito sa kanyang pag-aaral para maipagmalaki siya nito. Samantalang ang binata ay may nobya sa katauhan ni Yvonne — childhood sweetheart ng binata. At nangako na pagkatapos ng sampung taon nito sa modelling career ay magpapakasal na silang dalawa at iiwanan ni Yvonne ang modelling para sa bubuuin nilang pamilya. Nang malaman iyon ni Sam ay labis nitong ininda ang balitang iyon — hindi kumain ng ilang araw, tumangis nang tumangis sa kanyang silid, napabayaan ang pag-aaral at naging sakitin. Hanggang sa isang araw ay makabuo siya ng plano — ang pikutin si Vaughn. Hindi naman siya nagtagumpay dahil nahulaan agad ng binata ang kanyang masamang balak. Sa kasamaang palad ay hindi natuloy ang kasal nila Vaughn at Yvonne. Sinamantala naman ni Samantha ang pagkakataon na ligawan si Vaughn. Wala siyang pakialam kung siya ang humabol sa binatang CEO. Walang nakapigil sa kanya kahit ultimo ang sariling pamilya dahil katwiran niya ay nasa tamang edad na siya at tapos na sa pag-aaral. Ngunit, tila naging bato na yata ang puso ng binatang Bilyonaryo dahil kahit anong panunuyo niya rito ay hindi talaga siya nito pinapansin. Igi-give up na ba niya ang pagmamahal kay Vaughn at ibabaling na lamang ang atensyon sa nakababatang kapatid nito na matagal nang may gusto sa kanya? O maghihintay pa rin siya na mapansin ni Vaughn kahit mayroon na ulit itong bagong nobya?
Romance
10290 vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
ANTERIOR
12345
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status